TIKAS Serbisyong tapat, angat ang lahat!

03/05/2024

Magandang gabi, MATITIKAS! 🦅

Nais ko lamang mag pasalamat sa lahat ng mga sumoporta sa amin. Maraming salamat sa tiwala na ibinigay niyo sa akin, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pinapangako kong hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niyo sa akin at sa aking mga kapartido. Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala kayo, Theresians. Sana’y patuloy niyo pa rin kaming suportahan sa susunod na taon. Sisiguraduhin kong itatatak ko sa aking isipan ang mga natutunan ko sa inyo. ❤️‍🩹

Muli, ako si Patricia P. Vega ang inyong Presidente sa taong 2024-2025. 🐺

-Pres 💚

—————————————————————————

Magandang Gabi, Tikas!

Una, Gusto kong magpasalamat sa mga nakinig, nag tiwala, at naniwala na kaya kong panindigan ang posisyon na meron ako ngayon. Sa walang katapusang pagbibigay ng suporta sa bawat isa sa amin, maraming salamat. Ang mga boses ng bawat isa sa inyo ay naging malaking tulong para sa amin dahil sa simpleng pag bati ninyo at pag sigaw ng “TIKAS!” ay napapawi ang lahat ng aming pagod, ikinalulugod namin iyon. Pangakong gagawin at ibibigay ko sa inyo ang inyong mga nais sa abot ng aking makakaya at pangangatawan ko ang lahat ng aking mga obligasyon.

Sa aking mga ka-partido, Maraming Salamat sa binigay ninyong tiwala at suporta sa akin. Tandaan niyo na palagi akong proud sa bawat isa sa inyo. Pagbibigay bati sa ating lahat! 👏🏻

At para sa mga taong naniwala sa aking kakayahan, ang aking pamilya, mga kaibigan at mga g**o, maraming-maraming salamat po! Isa kayo sa nagbigay ng lakas ng loob sa akin na ipagpatuloy ang aking nasimulan kahit ako ay puno ng kaba. Maraming salamat sa mga pangaral ninyo na nag tulak sa akin na harapin ang mga pag subok na ito at sa walang sawang suporta na inyong ibinibigay sa akin. Malaking pag pugay sa inyo.🫡

Lahat ng ito ay hindi maitutupad kung wala ang gabay ng ating, Panginoon. Gusto ko lamang magbigay pasasalamat sa kaniya dahil hindi niya ako pinabayaan sa pag subok na ito. 💚

Patuloy na magbibigay ng serbisyong tapat, para sa ika aangat ng lahat. 🦅

-VP 💚

Pagbibigay pugay, TIKAS PARTYLIST! 🦅Maraming salamat sa patuloy na pag suporta sa aming partido hanggang sa aming huling...
02/05/2024

Pagbibigay pugay, TIKAS PARTYLIST! 🦅

Maraming salamat sa patuloy na pag suporta sa aming partido hanggang sa aming huling pangangampanya. Lahat ng pagod, sakripisyo at mga pag subok na aming dinanas ay nabalewala dahil sa suportang inyong ibinigay. 🥳

Maraming Salamat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na isiwalat ang aming mga salita para sa pagbibigay ng pagbabago at para iwaksi ang aming mga hangad para sa ating paaralan.

Kahit ano man ang maging resulta, ang Tikas Partylist ay patuloy na maglilingkod at gagawin ang lahat ng makakaya para sa inyong lahat. 🫶

Tikas Partylist para sa ika aangat ng lahat! 💚

Magandang gabi, MATITIKAS! 🦅Mula una hanggang sa huling araw ng aming pangangampanya patuloy ang suporta na aming natata...
30/04/2024

Magandang gabi, MATITIKAS! 🦅

Mula una hanggang sa huling araw ng aming pangangampanya patuloy ang suporta na aming natatanggap mula sa inyo aming mga mahal na kamag-aral. Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyong lahat dahil hindi niyo kami iniwan sa aming paglalakbay. Kayo ang nagbigay inspirasyon sa amin upang ilaban ang kampanyang ito para sa ikabubuti, ikaayos at ikakasaya nating lahat bilang isang mag-aaral ng STS 😉 Maaasahan ninyong lahat bilang isang pangkat o mga kandidato ang TIKAS, ilalaban namin ito. Kaya't sa nalalapit na miting de avance ay hinihingi namin muli ang inyong suporta. Nawa’y bigyan niyo kami ng pagkakataon sa nalalapit na eleksyon. 🗳️

Muli, kami ang TIKAS PARTYLIST at handa kaming pakinggan ang inyong mga boses at hangarin. Makakaasa kayo sa aming partido kaya’t hinihingi namin ang inyong boto. 🧐

Vote straight, vote wisely, vote TIKAS PARTYLIST 😉

Dahil sa serbisyong tapat, angat ang lahat!

Muling pagbati, MATITIKAS! 🦅Salamat sa pag suporta sa huling araw ng aming pangangampanya. Narito ang mga litrato na ami...
30/04/2024

Muling pagbati, MATITIKAS! 🦅

Salamat sa pag suporta sa huling araw ng aming pangangampanya. Narito ang mga litrato na aming nakuhanan ngayong araw. 📸

Salamat, MATITIKAS! 🦅

29/04/2024

Magandang araw, MATITIKAS! 🦅

Isang pagbati mula sa ating bise presidente 😉

25/04/2024

Magandang araw, MATITIKAS! 🦅

Huwag niyong kalilimutan na iboto ang TIKAS PARTYLIST sa nalalapit na eleksyon 😁

24/04/2024

Magandang araw, MATITIKAS! 🦅

Huwag kalilimutang uminom ng maraming tubig dahil sa sobrang init ng panahon. 😰

Magiingat kayo, MATITIKAS! 🦅

Muling pagbati, Matitikas! 🦅Salamat sa walang sawang suporta ngayon sa aming pangalawang araw ng pangangampanya! Sana ay...
23/04/2024

Muling pagbati, Matitikas! 🦅

Salamat sa walang sawang suporta ngayon sa aming pangalawang araw ng pangangampanya! Sana ay patuloy niyo kaming suportahan hanggang sa nalalapit na miting de avance. 🫣

Ito ang ilan sa mga litrato na aming nakuhanan kanina. 📸

Salamat, MATITIKAS! 🫶

Pagbati, MATITIKAS! 🦅Maraming salamat sa suportang aming natanggap ngayong araw. Patuloy niyo kaming suportahan sa panga...
22/04/2024

Pagbati, MATITIKAS! 🦅

Maraming salamat sa suportang aming natanggap ngayong araw. Patuloy niyo kaming suportahan sa pangalawang araw ng aming kampanya bukas at sa nalalapit na miting de avance. 😉

Narito ang ilan sa mga litrato na aming nakuhanan kanina. 🤩

Theresians, handa na ba kayong makilala ang ating nag titibayan, nag lalakasan, at nag babagang TIKAS PARTYLIST? 😱Ihanda...
21/04/2024

Theresians, handa na ba kayong makilala ang ating nag titibayan, nag lalakasan, at nag babagang TIKAS PARTYLIST? 😱

Ihanda ang inyong sarili at abangan ang TIKAS PARTYLIST bukas. ✊

Vote straight, vote wisely, vote TIKAS PARTYLIST dahil sa serbisyong tapat, angat ang lahat! 😉

Address

#22 Rosas Street Doña Manuela, Las Piñas City
Las Piñas
1740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TIKAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to TIKAS:

Share