Kagawad Danilo "Danny" Domingo

Kagawad Danilo "Danny" Domingo Serbisyong tapat para sa lahat. Official page of Kagawad Danilo Danny Domingo of Barangay Talon Dos

URBAN GARDENING PARA SA FOOD SUSTAINABILITY Pwede na ba tayo sa Urban Gardening para sa food sustainability? Isa lamang ...
03/09/2026

URBAN GARDENING PARA SA FOOD SUSTAINABILITY

Pwede na ba tayo sa Urban Gardening para sa food sustainability?

Isa lamang ito sa mga simpleng paraan upang makapagtanim tayo ng sariling gulay kahit limitado ang ating espasyo. Maaari nating gamitin ang mga used plastic bottles, lata, lumang palanggana, paso, at iba pang recyclable materials bilang lalagyan ng ating mga pananim.

Hindi kailangang malaki ang puhunan—ang mahalaga ay may sipag, tiyaga, at malasakit sa kalikasan.

Sa bawat gulay na ating itinatanim, nakakatulong tayo sa:
1. Pagkakaroon ng sariling pagkain
2. Pagre-recycle ng mga gamit na maaari pang mapakinabangan
3.Pagpapaganda ng ating kapaligiran
4. Pagsusulong ng mas malusog at sustainable na pamumuhay

Halina na kayo! Sama-sama tayong magtanim ng ating sariling gulay.

Magtanim ngayon, ani ay pagkain bukas!





MEETING WITH BARANGAY MAINTENANCE PERSONNEL September 1, 2026Isinagawa ang isang pagpupulong kasama ang ating Barangay M...
02/09/2026

MEETING WITH BARANGAY MAINTENANCE PERSONNEL
September 1, 2026

Isinagawa ang isang pagpupulong kasama ang ating Barangay Maintenance Personnel, na pinangunahan ng ating butihing Punong Barangay Arnold “Jojo” Reyes, kasama sina Kag. Danny Domingo, kasama ang ating Barangay SecretAry Jeshel at ang ating Barangay Maintenance Officers.

Layunin ng pagpupulong na paalalahanan ang ating mga maintenance personnel na panatilihing malinis, maayos at ligtas ang loob at labas ng Barangay premises. Binigyang-diin din ang kanilang aktibong pakikilahok sa ating weekly clean-up drive bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating barangay.

Binigyang-diin din ng ating Punong Barangay na sa panahon ng kalamidad o emergency, ang ating Barangay Maintenance Personnel ay dapat laging handang tumulong at rumesponde upang mabigyan ng agarang assistance ang ating mga apektadong kabarangay.

Maraming salamat sa ating Punong Barangay Arnold “Jojo” Reyes, Kag. Danny Domingo, Barangay Maintenance Officers, at lahat ng ating Maintenance Personnel sa inyong patuloy na dedikasyon at serbisyo.
Serbisyong handang kumilos, sa araw-araw at lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Mabuhay ang Barangay Talon Dos!

Mabuhay Kap Arnold "Jojo" Reyes!




TULOY-TULOY ANG SERBISYO!  Sept. 01, 2026Patuloy ang ating Estero Rangers sa paglilinis ng Pasong Cobra Creek, Barangay ...
01/09/2026

TULOY-TULOY ANG SERBISYO! Sept. 01, 2026

Patuloy ang ating Estero Rangers sa paglilinis ng Pasong Cobra Creek, Barangay Talon Dos, Las Piñas City.

Maraming salamat po sa inyong sipag, tiyaga at malasakit sa ating kapaligiran.

Malinis na Estero, Ligtas na Barangay!

Sama-sama tayo para sa isang Malinis, Maayos at Ligtas na Talon Dos!

Mabuhay ang Esteri Rangers!

Mabuhay ang Barangay Talon Dos, Las Pinas City!



CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY TALON DOS📅 August 28, 2026Another successful clean-up activity was conducted this morning in t...
28/08/2026

CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY TALON DOS
📅 August 28, 2026

Another successful clean-up activity was conducted this morning in two areas of Barangay Talon Dos, despite a few rain showers.

1. Tartar Creek
Our Estero Rangers conducted clean-up and maintenance activities to help keep our waterways clean and ensure the proper flow of water.

2. Pagtakhan
Our Barangay Maintenance Team, Estero Rangers, and dedicated volunteers worked together in the hauling of yard waste and other collected materials.

This activity would not have been possible without the support of our very supportive Punong Barangay Arnold “Jojo” Reyes, together with our Barangay Council members Kag. Jong Dizon Jr., Kag. Von Tungala, and Kag. Danny Domingo.

Maraming maraming salamat po sa ating Estero Rangers, Barangay Maintenance Officers Mr. Rico Dalida and Mr. Lino Espiritu, at sa lahat ng Barangay Maintenance Personnel na patuloy na nagsisilbi kahit mahirap ang panahon.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa mga residente ng Pagtakhan sa inyong volunteerism at pakikiisa. Special thanks to Ms. Jet Icay, na sa bawat clean-up drive ay laging present at handang tumulong.
Maraming salamat din po kay President Mam Minda at sa kanyang mga officers sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan.

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pakikiisa, disiplina, at malasakit sa ating komunidad. Kapag sama-sama, mas malinis, mas maayos, at mas ligtas ang ating Barangay.

Mabuhay ang Pagtakhan!

Mabuhay ang Barangay Talon Dos!

GARDEN AT BEAUTIFICATION SA HARAP NG MARY MOTHER OF THE CHURCH PARISH ...August 22, 2026.Salamat sa Diyos at gumanda ang...
22/08/2026

GARDEN AT BEAUTIFICATION SA HARAP NG MARY MOTHER OF THE CHURCH PARISH ...August 22, 2026.

Salamat sa Diyos at gumanda ang panahon, kaya natuloy na rin ang request ng Mary Mother of the Church Parish (MMCP) na magkaroon ng garden at beautification project sa harapan ng ating simbahan. Thank you Mam Grace Apale for your initiative.

Ito po ay isinagawa sa approval at buong suporta ni Rev. Fr. Sican, Parish Priest, na personal din naming nakasama sa gawaing ito. Maraming salamat po, Father, sa inyong suporta at pakikiisa sa magandang adhikain para sa ating simbahan at komunidad.

Taos-puso rin po akong nagpapasalamat sa aking mga kasamang volunteers na walang pag-aalinlangan na naglaan ng kanilang oras, lakas at serbisyo. Tunay na mas maganda ang isang proyekto kapag sama-sama at bukal sa puso ang pagtulong.

Maraming salamat din po sa ating butihing Punong Barangay Arnold “Jojo” Reyes sa kanyang suporta. Magbigay po siya ng ng mga seedlings at pintura na gagamitin sa garden at beautification project.

Ang simpleng gawaing ito ay patunay na kapag ang simbahan, barangay at mga volunteers ay nagtutulungan, mas napapaganda natin ang ating kapaligiran at napapalakas ang pagkakaisa ng ating komunidad.

Mabuhay ang Mary Mother of the Church Parish!

Mabuhay si Rev. Fr. Sican!

Mabuhay ang ating mga volunteers!

Mabuhay ang Barangay Talon Dos!





Barangay Clean-Up Drive | August 20, 2026Mahigit dalawang linggo na walang tigil ang pagbuhos ng ulan kaya pansamantalan...
20/08/2026

Barangay Clean-Up Drive | August 20, 2026

Mahigit dalawang linggo na walang tigil ang pagbuhos ng ulan kaya pansamantalang naantala ang ating pagha-hauling ng mga nakolektang basura mula sa Pasong Cobra Creek.

Mabuti na lamang at ngayong araw ay gumanda ang panahon, kaya agad nating naisagawa ang pagha-hauling at paglilinis ng mga naipong basura.

Maraming, maraming salamat po sa ating Barangay Maintenance Officers, Mr. Rico Dalida at Mr. Lino Espiritu, kasama ang ating masisipag na Barangay Maintenance Personnel at Estero Rangers, sa inyong tiyaga, dedikasyon at malasakit sa kalinisan at kaligtasan ng ating barangay.

Ang gawaing ito ay buong puso ring sinusuportahan ng ating mabuti, masipag at hands-on na Punong Barangay Arnold “Jojo” Reyes.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang malinis, maayos at ligtas na Barangay Talon Dos.

Mabuhay ang ating mga Ka-Barangay!

Mabuhay ang Barangay Talon Dos, Las Piñas City!

Agarang Aksyon sa Pagtakhan Creek ng Barangay Talon Dos August 18, 2026Isang malaking puno ng balite ang tumubo sa gilid...
18/08/2026

Agarang Aksyon sa Pagtakhan Creek ng Barangay Talon Dos August 18, 2026

Isang malaking puno ng balite ang tumubo sa gilid ng ating creek. Dahil sa patuloy na pag-ulan at malakas na habagat, ito ay nabuwal at ang ilan sa mga sanga nito ay napunta na sa daluyan ng tubig.

Kung hindi ito agad maaaksyunan, maaari itong maging sanhi ng pagbara sa daluyan ng tubig, na posibleng magdulot ng pag-apaw at pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa ating maagap na pagtugon, agad itong inaksyunan ng ating Barangay Maintenance Personnel, sa pangunguna ni Mr. Rico Dalida, upang maiwasan ang anumang posibleng problema sa daloy ng tubig.

Maraming maraming salamat po sa ating mabuti at very supportive na Punong Barangay, Hon. Arnold F. Reyes, sa patuloy na suporta at agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating barangay.

Maraming salamat din sa CENRO, LasPinas City.

Saludo po tayo sa ating mga maintenance personnel sa kanilang kasipagan at dedikasyon, lalo na sa ganitong panahon.

Aksyon agad, bago pa maging problema!

Mabuhay ang Barangay Talon Dos, Las Piñas City!




Mahalaga ang Solid Waste Management Information and Education Campaign (IEC), pero hindi sapat ang impormasyon lamang ku...
15/08/2026

Mahalaga ang Solid Waste Management Information and Education Campaign (IEC), pero hindi sapat ang impormasyon lamang kung walang disiplina at pananagutan ang bawat mamamayan.

Ang IEC ay dapat maging tulay mula “alam ko” tungo sa “ginagawa ko.” Dapat maunawaan ng mga tao na ang basurang basta itinatapon sa kalsada, kanal, estero at ilog ay hindi nawawala—kapag umulan nang malakas, maaari itong matangay patungo sa dagat.

At kapag nakita natin ang gabundok na basurang lumulutang sa baybayin ng Metro Manila, hindi lamang ito problema ng basura. Problema rin ito ng disiplina, kultura at responsibilidad ng bawat isa.

Kaya ang tunay na tanong ay hindi lamang: “May information campaign ba?”
Ang tanong ay: “Matapos nating maturuan ang mga tao, sino ang handang sumunod at maging responsable?”

Education + Disiplina + Enforcement + Pakikiisa = Mas malinis at mas ligtas na komunidad.


#𝐃𝐈𝐋𝐆𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬



ON-GOING SEMINAR ON SOLID WASTE MANAGEMENT INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC)..2pm to 4pmPatuloy ang ating p...
14/08/2026

ON-GOING SEMINAR ON SOLID WASTE MANAGEMENT INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC)..2pm to 4pm

Patuloy ang ating pagsisikap na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng ating mga barangay stakeholders tungkol sa tamang segregation, collection, recycling, composting, at wastong pagtatapon ng basura.
Ang seminar ay kasalukuyang ginaganap sa Villar Gymnasium Function Room, bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng isang malinis, maayos, ligtas at responsableng komunidad.

Tamang kaalaman. Tamang gawain. Malinis na barangay!

ILANG ARAW NANG WALANG TIGIL ANG ULAN — MAG-INGAT AT MAGHANDA PO TAYO! Ilang araw na po tayong nakakaranas ng walang tig...
08/08/2026

ILANG ARAW NANG WALANG TIGIL ANG ULAN — MAG-INGAT AT MAGHANDA PO TAYO!

Ilang araw na po tayong nakakaranas ng walang tigil na pag-ulan. Maraming lugar dito sa Metro Manila ang binaha at nananatiling mataas ang tubig. May mga lugar din na nakaranas ng pagbagsak ng mga puno o malalaking sanga dahil sa malakas na hangin.

Sa ganitong sitwasyon, napapaisip tayo: Ano na nga ba ang nangyayari sa ating mga imburnal at drainage? Barado ba ang mga ito, o sadyang napakarami lamang talaga ng tubig-ulan na bumabagsak?
Anuman ang dahilan, mahalaga na patuloy nating linisin at panatilihing walang bara ang ating mga kanal, drainage at daluyan ng tubig upang makatulong sa mabilis na pag-agos ng tubig.

Maging maingat din po tayo sa LEPTOSPIROSIS at iba pang sakit na maaaring makuha sa maruming tubig-baha. Huwag po nating balewalain ang anumang sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan o matinding panghihina. Kung may nararamdamang kakaiba, kumonsulta agad sa doktor o pinakamalapit na health center.

Maghanda rin po tayo sa ating mga tahanan. Magkaroon ng sapat na pagkain, malinis na tubig, flashlight, first-aid kit at mga kinakailangang gamot na karaniwang ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya.
Ito na po ang kalagayan ng ating panahon. Hindi natin kayang pigilan ang ulan, pero kaya nating maghanda at mag-ingat.

Huwag po nating hintayin na magkaroon ng sakuna bago tayo kumilos.
Mag-ingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Ligtas ang handa.

Bayanihan at pagtutulungan ang kailangan sa panahon ng kalamidad.

Address

Talon Dos
Las Piñas
1747

Telephone

+63285412989

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Danilo "Danny" Domingo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share