12/03/2026
Alinsunod po sa Memorandum Circular No. 114 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong March 6, 2026 ay inaatasan ang lahat ng sangay at ahensia ng Pamahalaan na mag karoon ng kaukulang pamamaraan sa pagtitipid ng enerhiya. Kaugnay po nito ang Barangay Talon Singko sa pamumuno ni Hon. Josefina B. Bumanlag ay tumugon sa directiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng DILG NCR ay pinagtibay ang Barangay Executive Order No. 001, series of 2026 na pinamagatang: "An Order Adopting A Compressed Four (4) - Day Work Week Schedule For Barangay Talon Singko, Las Pinas City". Sa ilalim po ng nasabing E.O. 001 na ito ay may apat (4) na araw lamang na oras ng opisina sa Pamahalaang Barangay ng Talon Singko mula Lunes (Monday) hanggang Huwebes (Thursday) 8:00 AM to 7:00 PM (with one (1) hour lunch break). Samantalang ang araw ng Biyernes (Friday) ay walang opisina. Ang atin pong mga frontline at essential services tulad ng may kinalaman sa health, disaster, police/security, traffic at sanitation ay mananatili pong operational 24/7 ng mula Lunes hanggang Biyernes.
Para sa kaalaman ng ating mga Kabarangay Talon Singko.
Maraming Salamat po.