24/03/2026
TINGNAN || 1st QUARTER MEETING OF MCPC, MCAT-VAWC & MAC
Isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), MCAT-VAWC at Municipal Action Committee (MAC) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan upang talakayin ang mga programang naglalayong pangalagaan at protektahan ang kapakanan ng mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating munisipyo.
Pinangunahan ni Hon. Jose Tendido, SK Federation President, ang nasabing pagtitipon kung saan tinalakay ang mahahalagang ulat at programa para sa pagpapatibay ng mga serbisyo at interbensyon para sa komunidad.
Sa nasabing pulong inilahad ni Ms. Sam Ortego, MLGOO ang CFLGA Means of Verification (MOVs) bilang bahagi ng pagsusuri at pagpapatibay ng mga programa para sa mga bata at pamilya.
Ibinahagi ni PCpl Benjelyn O. Pajanustan ng PNP WCPD ang mga kaso ng VAWC at CICL para sa 1st Quarter, bilang bahagi ng monitoring at pagpapalakas ng mga hakbang sa pagprotekta sa kababaihan at kabataan.
Samantala, ipinresenta naman ni Mr. Julius Luna, 4Ps Municipal Link, ang Accomplishment Reports ng 4Ps para sa 1st Quarter, na naglalaman ng mga update sa implementasyon ng programa sa mga benepisyaryo sa ating bayan.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng mga ahensya at konseho upang mas mapalakas ang mga programa at serbisyong nagtataguyod sa proteksyon, kapakanan, at kaunlaran ng mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating komunidad.