25/07/2026
Alam mo ba? ang military class ring ay isang tradisyong nagsimula sa mga military academy bilang simbolo ng karangalan, pagka-kapatiran, at matagumpay na pagtatapos ng isang klase. Hindi lamang ito alahas ngunit ito ang nagsisilbing panghabambuhay na paalala ng serbisyo, sakripisyo, at panunumpa sa bayan.
Ang pinaka-kilalang pinagmulan ng military class ring ay sa United States Military Academy sa Estados Unidos. Noong 1835, ang unang klase ng mga kadete ay nagpagawa ng class ring bilang tanda ng kanilang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Mula noon, naging taunang tradisyon ito sa maraming military academy sa buong mundo.
Kalaunan, ang tradisyon ay sinundan ng iba pang akademya tulad ng United States Naval Academy, United States Air Force Academy at Philippine Military Academy
Karaniwang naglalaman ang isang military class ring ng mga sumusunod:
• Emblem o Seal ng Akademya na Sumisimbolo sa institusyong pinagmulan.
• Class Year o Taon ng pagtatapos o commissioning.
• Crest o Coat of Arms na Kumakatawan naman sa dangal at tradisyon.
• Motto o mga salitang nagbibigay-inspirasyon sa tungkulin at paglilingkod.
• Bato o Gemstone. Maaaring birthstone o batong napili ng buong klase bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa.
Para sa mga opisyal at graduates ng military academy, ang class ring ay simbolo ng tagumpay matapos ang mahigpit na pagsasanay. Ito rin ay paalala ng panunumpa na paglingkuran ang bansa, tanda ng pagkakapatiran o esprit de corps sa kanilang classmates at pamana na maaaring ipasa sa susunod na henerasyon bilang alaala ng kanilang serbisyo.
Sa Philippine Military Academy, ang class ring ay isa sa mga pinakapinahahalagahang simbolo ng pagiging graduate. Karaniwan itong isinusuot sa mahahalagang okasyon tulad ng Graduation at commissioning ceremonies, Military anniversaries, Formal military functions o Reunions ng klase.
Maraming alumni ang nananatiling nagsusuot ng kanilang class ring kahit matapos ang ilang dekada ng serbisyo bilang tanda ng kanilang pagmamalaki sa kanilang alma mater at sa kanilang propesyon bilang sundalo, mandaragat, o piloto.
Sa kabuuan, ang military class ring ay higit pa sa isang singsing. Ito ay isang simbolo ng karangalan, katapatan, sakripisyo, at habambuhay na pagkakabuklod ng mga nagsanay at nanumpang maglingkod sa kanilang bansa.