21/01/2025
Petsa ng Insidente: Enero 21, 2025
Ang tumawag: Grace Mendoza/T. Paloma (Enfocer)
Oras ng Insidente:1629H
Tumugon sa Insidente: Team Charlie (OpCen)
Nakatanggap ngayong hapon ang opisina ng MDRRM Laoang ng mensahe sa social media hinggil sa diumano aksidente na nangyari sa Barangay Salvacion, Laoang, N. Samar. Agad na rumesponde ang grupo sa isang 67-anyos, babae, residente ng Barangay Marubay. Base sa impormasyon, ito ay nahulog sa motor na minamaneho ng taga Barangay Candawid, at nadaganan pa ng motor na ikinasugat sa ulo ng senior citizen at nararamdamang sakit sa bandang taas ng kanyang likod dahilan di ito makahiga sa stretcher.
Sa pamamagitan ng agarang pagtugon at koordinasyong aksyon,nalapatan ng paunang lunas ang pasyente dahil sa walang tigil na pagdurugo ng sugat sa ulo at maingat na isinugod sa malapit na pagamutan ng GB Tan Mem Hospital, Laoang, N. Samar para masuri ng doktor.
Samantala,ilang minuto lang ang pagitan habang pabalik ng OpCen ang grupo, isang aksidente ang inihingi naman ng tulong ni Mr Paloma na nangyari sa Barangay Sto Niño, Laoang, N. Samar. Agad na dumiretso ang grupo sa nasabing barangay at rumesponde sa isang 14-anyos, lalake, residente ng Barangay SMH na naabutang nakahiga sa daan at hindi maigalaw ang kaliwang kamay. Ayon sa impormasyon, ito ay nawalan ng balanse sa pagbibisikleta.
Nilapatan ng "arm sling" sa pamamagitan ng triangular bandage ang pasyente at maingat na isinugod sa malapit na pagamutan ng GB Tan Mem Hospital, Laoang, N. Samar para masuri ng doktor.
Sa direktang pangangasiwa ng aming MDRRMO Head, Ms. JOEY B ACEBRON, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna (karaniwang kinasasangkutan ng panganib) na nangangailangan ng agarang pagkilos, agad na tumawag sa aming Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office - Laoang Operations Center Emergency Hotline/s:
📟Radio Frequency: 167.075
📱 09700788948