07/05/2024
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎:
Ipinapabatid sa lahat na ang kumakalat na Facebook post mula sa "𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗣𝗮𝗴𝗲" kaugnay sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment - DOLE ay
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡.
Ang TUPAD Program ay 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗢 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗧 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 para sa mga mag-aaral. Ito ay public employment program na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga disadvantaged workers na may edad 18 pataas.
Pinapayuhan ang lahat na i-report sa Facebook ang ganitong uri ng posts at public pages, at sumangguni sa mga tamang tanggapan ng DOLE kung may katanungan o paglilinaw patungkol sa mga serbisyo at programa.
Maari kayong tumawag sa 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲 𝟭𝟯𝟰𝟵 o sa pinakamalapit na DOLE office sa inyong lugar na may contact numbers na nakalathala sa aming official website: https://www.dole.gov.ph/key-officials/