31/03/2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, ipatutupad bukas, Abril 1, 2026 (Miyerkules), ang work-from-home arrangement mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN para sa mga kawani ng Land Registration Authority (LRA) Central Office at mga Registries of Deeds sa buong bansa. Pagsapit ng 12:00 NN ay suspendido na po ang pasok sa mga opisina ng LRA.
Gayunpaman, magkakaroon din po ng skeleton workforce arrangement para sa mga frontline services upang matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Sarado naman po ang mga opisina ng LRA sa Abril 2β3, 2026 bilang paggunita sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.