4Ps MOO Lambayong, Sultan Kudarat

4Ps MOO Lambayong, Sultan Kudarat
ANGAT LAMBAYONG Lambayong Convergence Team

29/05/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps ๐Ÿ“ข

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.

Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.

Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

๐Ÿ’™ Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.





Angels in Red Vests, forever serving with extra love at extra care. ๐Ÿชฝ   โค๏ธ
19/05/2026

Angels in Red Vests, forever serving with extra love at extra care. ๐Ÿชฝ


โค๏ธ

โœจโค๏ธ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ-๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด? ๐——๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐˜ƒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐˜ƒ โค๏ธโœจ

Behind every recognition are thousands of stories of serbisyo, malasakit, at sakripisyo mula sa ating mga Angels in Red Vests.

Mula sa payout sites, rescue operations, field work, hanggang sa simpleng pakikinig at pagdamay sa bawat Pilipinong nangangailangan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa isang lider, kundi para sa buong pamilya ng DSWD.

Sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, patuloy na pinapatunayan ng bawat kawani ng DSWD na ang tunay na lakas ng ahensya ay nagmumula sa mga pusong handang maglingkod anumang oras at saan mang panig ng bansa.

Kaya para sa lahat ng ating mga social workers, this recognition is for you too. ๐Ÿซถโœจ

Angels in Red Vests, forever serving with extra love at extra care. ๐Ÿชฝ


โค๏ธ

14/05/2026

๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐˜€๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ถ๐—ป ๐—Ÿ๐—˜๐—ง ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†, ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฐ๐—ฃ๐˜€, ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿฐ๐—ฃ๐˜€! ๐Ÿ†๐Ÿ“š

Mula sa pagiging dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ngayon ay isa nang pambansang topnotcher si ๐—ฅ๐—ฎ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฒ ๐—ฅ. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ng Visayas State Universityโ€“Baybay matapos manguna sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LET/LEPT) โ€“ Secondary Level na may kahanga-hangang 95.80% rating. ๐ŸŒŸ

Kinilala rin ito bilang pinakamataas na board rating sa kasaysayan ng LET na ngayon ay isang bagong pamantayan para sa mga susunod pang examinees, ayon sa Professional Regulatory Commission o PRC.

Ang tagumpay ni Rashil Rae ay sumasalamin sa sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyong makaahon sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Siya ay isa lamang sa 72 dating benepisyaryo ng 4Ps mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa na nakapasok sa Top 10 ng March 2026 LET para sa Elementary at Secondary Levels. ๐Ÿ’™

Patunay si Rashil Rae at ang iba pang 4Ps topnotchers na kapag may suporta sa edukasyon, may pag-asang maabot ang pangarap at mabago ang kinabukasan. โœจ




14/05/2026
May 11,2026/ Endorsement of the Transition Plan for Exiting Beneficiaries for C.Y 2026The Municipal Action Team (MAT) of...
13/05/2026

May 11,2026/ Endorsement of the Transition Plan for Exiting Beneficiaries for C.Y 2026

The Municipal Action Team (MAT) of Lambayong successfully conducted the Endorsement of Transition Plan of 426 Exiting beneficiaries to the Local Government Unit of Lambayong to ensure continuous support and appropriate transition of services for the households.

The activity was attended by Ms. Catherine Peralta, RSW, OIC-MSWDO, whose presence and support strengthened the collaborative efforts in promoting sustainable community development and effective program implementation. ๐Ÿ’™





13/05/2026

ISANG DATING 4Ps MONITORED CHILD MULA SA MIDSAYAP, COTABATO PROVINCE, NAG-TOP 8 SA MARCH 2026 LET ๐Ÿฅ‡

Buong galak at pagmamalaki na ibinabahagi ng DSWD Field Office XII ang tagumpay ni Daisy Mae C. Bulawan, isang dating child grantee ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Brgy. Bitoka, Bayan ng Midsayap, Cotabato Province.

Nakamit ni Bulawan ang kahanga-hangang 93.20% na marka at itinanghal bilang TOP 8 sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Si Daisy Mae ay nagtapos noong 2025 sa University of Southern Mindanao โ€“ Aleosan Campus. Ang kanyang tagumpay ay patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at edukasyon, ang mga pangarap ay kayang makamit.

Nakatapos na rin sa programang 4Ps ang pamilya Bulawan noong 2025, na sumisimbolo ng kanilang patuloy na pag-unlad tungo sa mas maayos na pamumuhay.

Ang tagumpay ni Daisy Mae ay nagsisilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino na magsikap at mangarap para sa mas magandang kinabukasan.

Congratulations, Daisy Mae! Patuloy kang maging inspirasyon sa iyong komunidad at sa buong bansa. ๐ŸŽ‰โœจ

Pantawid Pamilyang Pilipino Program โค๏ธ

10/05/2026

HAPPY MOTHERโ€™s DAY!

Pagpupugay mula sa DSWD FO XII sa lahat ng mga ina na patuloy na nagsisilbing ilaw ng tahanan at inspirasyon ng bawat pamilya.

Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at malasakit para sa inyong mga mahal sa buhay at komunidad.

โ™ฅ๏ธ

09/05/2026

โ€œPumunta ka sa DSWDโ€ฆโ€ โ€” Pero alin ba talaga? ๐Ÿค”

Isa sa mga pinaka-common na linya nating mga Pilipino kapag may nangangailangan ng tulong:

โ€œPumunta ka sa DSWD ng munisipyo.โ€

Pero tekaโ€ฆ may โ€œDSWDโ€ ba talaga sa munisipyo? ๐Ÿ˜…

Dito madalas nalilito ang marami sa pagkakaiba ng DSWD at C/MSWDO. Kahit sa usapan araw-araw, halos pareho na natin silang tawagin na โ€œDSWD.โ€ Pero technically at legally, magkaiba silaโ€”kahit magkaugnay.

Ano ang DSWD?

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isang national government agency. Sila ang gumagawa ng national policies, programs, at guidelines para sa social welfare services sa buong bansa.

Sila rin ang nangangasiwa sa mga malalaking programa tulad ng:

4Ps
AICS
Sustainable Livelihood Program
Disaster response assistance
Ano naman ang C/MSWDO?

Ang City/Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO) naman ay opisina ng local government unit (LGU)โ€”meaning under ito ng city o municipal government.

Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, dinecentralize ang maraming social welfare services papunta sa local governments. Kaya may sariling social welfare office ang bawat lungsod o munisipyo.

Sila usually ang:

unang nag-aassess ng clients
gumagawa ng social case study reports
nagha-handle ng local social welfare concerns
nagre-refer sa DSWD kapag kailangan ng national assistance
Soโ€ฆ magkaaway ba sila? ๐Ÿ˜…

Hindi po. Magka-partner sila. ๐Ÿค

Think of it this way:

DSWD = national office / policymaker / malaking programs
C/MSWDO = local frontliner / community-based social work services

Parang:

DSWD ang โ€œhead office,โ€
C/MSWDO ang โ€œnasa field.โ€

Kaya minsan kapag sinabing:

โ€œPumunta ka sa DSWD ng munisipyo,โ€

ang totoong tinutukoy pala ay:

โ€œPumunta ka sa MSWDO.โ€ ๐Ÿ˜„

At okay lang malitoโ€”kahit minsan social workers napapasmile na lang kapag lahat na lang tinatawag na โ€œDSWD.โ€ ๐Ÿ˜‚

โ€”
โœ๏ธ The Court Social Worker

06/05/2026

DSWD CHIEF: HINDI RASON ANG 4PS KUNG BAKIT SUMIPA ANG MGA BILL NATIN

Umaga ngayong Miyerkules (Mayo 6) sa Unang Hirit, binigyang-diin ni DSWD Secretary REX Gatchalian na hindi rason at hindi dapat sisihin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa isyu ng biglaang pagtaas ng konsumo ng kuryente ng Meralco nitong Abril.

Ayon kay Secretary Gatchalian, ang bill shock na nangyari ay dahil sa generation cost ng electric power distribution company na Meralco, at hindi dahil sa paggamit ng kuryente ng mga pamilyang kabilang sa 4Ps. Sa katunayan, ani Kalihim ay wala pa sa kalahati ng sentimo ang napupunta sa Lifeline Rate Subsidy na nakalaan para sa diskwento ng 4Ps.

Sinisiguro rin ng DSWD na mananatiling pantay at patas ang pagpili ng mga benepisyaryo ng 4Ps at nagagamit sa wasto ang nakalaang suporta para sa kanila, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

โค๏ธ

Address

Lambayong
9802

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps MOO Lambayong, Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share