Five-O-First Valiant Troopers

Five-O-First Valiant Troopers Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Five-O-First Valiant Troopers, Government Organization, Sitio Burubur, Cagayan, Lal-lo.

15/02/2021

Pinabendisyonan ng mga tropa ng 65th Infantry “Stalwart” Batallion ang narekober nilang bangkay ng NPA na inabandona ng kanyang mga kasamahan matapos ang enkwentro sa Barangay Besigan, Cagayan de Oro. Sa ulat ni 1Lt. Krescelle Renovlas, 65 IB Civil-Military Operation Officer, naka-enkwentro ng m...

09/02/2021

The President once again promised the men and women of the Armed Forces of the Philippines that the government will always support them.

09/02/2021

WAKASAN ANG KARAHASANG DULOT NG MGA MAPANG ABUSONG TERRORISTA!







5ID Startroopers, Philippine Army
Kabalikat Star Troopers
Alpha Kabalikat
Bravo Batingaw
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
Rtf-elcac Strategic Communications Cluster Cagayan Valley
501st Infantry Valiant Brigade 5ID Philippine Army
502nd Infantry - Liberator Brigade
503rd Infantry "Peace & Justice" Brigade
Marine Battalion Landing Team-10-KAPAYAPAAN
95th Infantry Salaknib Battalion
Eightysix Highlander
50IBDefenderBn
54th Infantry Magilas Battalion, Philippine Army

09/02/2021

DALAWANG LIDER AT ANIM NA MIYEMBRO NG CPP-NPA, SUMUKO SA BAYAN NG BAGGAO

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nagbalik-loob na rebelde sa pamahalaan.

Ito ay matapos sumuko ang walong (8) miyembro ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA) sa bayan ng Baggao nito lamang Ika-7 ng Pebrero.

Ayon sa 5th Infantry Division Phil. Army na nakabase sa Upi, Gamu, Isabela. Ang mga sumukong rebelde ay mula sa hukbo ng Section Guerilla Unit East Front ng Komiteng Probinsiya ng Cagayan na kumikilos sa ilang bayan ng lalawigan ng Cagayan.

Ayon pa sa 5th ID, sumuko ang mga nasabing rebelde sa pinagsamang tropa ng 77th Infantry Batallion, 5th ID at mga kapulisan ng Cagayan sa Sitio Riga-ay, Brgy. Hacienda Intal, Baggao.

Batay din sa ulat ay dalawa (2) sa mga nagbalik-loob ay mga lider ng naturang grupo at ang anim ay pawang mga miyembrong tagasunod ng rebeldeng grupo.

Ayon naman sa mga rebeldeng sumuko ay dala na rin ng konsensiyang bumabagabag sa kanila at hirap na kanilang dinaranas sa loob ng kilusan ang nagpabago ng kalooban. Nawawala na rin diumano ang kanilang mga idelohiyang ipinaglalaban at napapalitan na ito ng higit na pagpapahirap sa masang sana ay kanilang tinutulungan.

Lubos naman ang pasasalamat ni MGen. Laurence E. Mina, Commanding General ng 5th Infantry Division sa ginawang ito ng mga rebelde.

Dagdag pa ni MGen. Mina, sisiguraduhin ng kasundaluhan at ng pamahalaan o gobyerno na ang lahat ng nais magbalik loob ay buong puso nilang tatanggapin.

Nakahanda rin umano ang pamahalaan na mabibigyan ng sapat na pangkabuhayan ang mga ito upang makapamuhay ng maayos at mapayapa. (Eugene Carlo C. Tolosa )

09/02/2021
Kasundalohan at mga Dating Rebelde Naghatid ng Tulong Galing sa GMA Kapuso Foundation sa Cabagan, IsabelaSan Mariano, Is...
10/01/2021

Kasundalohan at mga Dating Rebelde Naghatid ng Tulong Galing sa GMA Kapuso Foundation sa Cabagan, Isabela

San Mariano, Isabela - May 377 bilang ng mga naresidente ng Brgy Pilig Abajo at Brgy Anao ng Cabagan, Isabela ang nakatanggap ng foodpacks galing sa GMA Kapuso Foundation ngayong bagong taon 2021.

Nagtulong tulong ang mga kasundalohan ng 95IB at 502nd Inf Brigade, former rebels, residente, Brgy Officials, mga g**o at personnel ng GMA Kapuso Foundation upang maiparating ang mga foodpacks sa mga kababayan Isabelinos na sobrang naapektuhan ng baha.

Laking pasasalamat naman ng mga residente dahil sa tuloy-tuloy na tulong sa kanila at umaasa sila na sana ay hindi na mangyayari ulit ang ganung kataas ng baha na sumalanta sa kanila.

GMA Kapuso Foundation, Inc. GMA Kapuso Foundation 5ID Startroopers, Philippine Army Kalinaw News PIA Region 2 Philippine News Agency 502nd Infantry - Liberator Brigade 86th Infantry - Highlander Battalion 98th Infantry “Masinag” Battalion

12/12/2020
06/12/2020

BREAKING NEWS
DISYEMBRE-06

PANGALAWANG KAMPO NG CPP-NPA SA RIZAL, CAGAYAN NADISKUBRE NG TROPA NG PAMAHALAAN NGAYON ARAW, DISYEMBRE-06!

Naka-diskubre na naman ang tropa ng pamahalaan ng panibagong kuta ng mga rebeldeng-NPA sa bahagi pa rin ng Brgy. Bural, Rizal, Cagayan ngayong Araw ng Linggo, Disyembre-06.

Ito ang impormasyong ipinaabot ni Lt. Col. Angelo Saguiguit, Commanding Officer ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army.

Pasado alas-onse kanina (11:00AM) nang matagpuan ng pinagsanib na pwersa ng 17IB, 77IB, MBLT10 at PNP ang pangalawang kampo habang tinutugis nila ang nakasagupa nilang mga rebeldeng-NPA kahapon.

Higit na malaki ang natagpuang kampo kumpara sa nakubkob kahapon dahil may lawak itong higit 1-libong metro kwadrado.

Nakapaloob sa naturang kuta ang 40-bilang ng bunkers, isang (1) social hall at dalawang (2) kusina.

Posibleng ito ang pinaka-kuta ng mga rebeldeng-komunista sa Zinundungan Valley na tukoy na pinagtataguan ng mga NPA.

Matatandaang kahapon ay nadiskubre din ang isang kampo ng mga rebeldeng-NPA matapos ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at higit 20-bilang ng mga rebelde.

Sa ngayon ay kontrolado na ng pwersa ng gobyerno ang mga nasabing kampo.

Nagpapatuloy pa rin ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa mga tumatakas na mga rebelde. # # #

“Malaking kuta ng rebeldeng NPA nakubkob muli sa bayan ng Rizal, Cagayan”MASIN, Alcala – Nagresulta sa pagkakakubkob ng ...
06/12/2020

“Malaking kuta ng rebeldeng NPA nakubkob muli sa bayan ng Rizal, Cagayan”

MASIN, Alcala – Nagresulta sa pagkakakubkob ng isa nanamang kampo ng teroristang New People's Army ang patuloy na pagpapatrolya ng mga otoridad matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng 17th Infantry Battalion at teroristang NPA sa Barangay Bural, Rizal, Cagayan ngayong ika-6 ng Disyembre taong kasalukuyan.

Nadiskubre sa pinagsanib pwersa ng 17th at 77th Infantry Battalions, Marine Battalion Landing Team 10 at ng Cagayan PNP ang nasa 1000sqm na lawak ng kuta ng NPA.

Ang naturang kuta ay mayroong 40 bunkers, isang social hall at dalawang kusina.

Matatandaan na kahapon nang madiskubre rin ng 17IB ang kuta ng mga NPA sa kaprehong barangay kasama ang ilang mga bala at pampsabog.

Ang nangyaring pagkakadiskubre ng mga kuta ng NPA ay patunay na paghina ng pwersa ng mga abusadong NPA.

Samantala, tuloy tuloy naman ang ginagawang pagsuyod ng kasundaluhan kasama ang hanay ng kapulisan sa mga nasabing lugar upang masig**ong naitaboy na ang presensya ng makakaliwang grupo. # #

Address

Sitio Burubur, Cagayan
Lal-Lo
3509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Five-O-First Valiant Troopers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Five-O-First Valiant Troopers:

Share