Barangay Jurisdiction Lal-lo

Barangay Jurisdiction Lal-lo ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ ๐ง๐ข๐ณ๐ž๐ ๐š๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐Ž๐’๐“ ๐…๐”๐๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ†

Official page of Barangay Jurisdiction, Lal-lo, Cagayan.

Bringing the latest updates, announcements, and community news to our residents.

 #๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ | Inaanyayahan ang lahat ng mga senior citizen na may edad 60 taong gulang pataas na wala pang National...
22/05/2026

#๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ | Inaanyayahan ang lahat ng mga senior citizen na may edad 60 taong gulang pataas na wala pang National ID na isumite ang kanilang pangalan at kapanganakan kay Senior Citizen President Dionicio Adolfo.

Ito ay dahil sa susunod na pension pay-out ay hindi na papayagang makatanggap ng pension ang walang maipapakitang National ID.

Makipag-ugnayan lamang para sa kaukulang impormasyon at pagsasagawa ng listahan.


๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‰๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐๐ข๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐ -๐…๐ซ๐ž๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฉ๐ฅ๐š๐œ๐ž ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งNakiisa ang buong Barangay Cou...
18/05/2026

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‰๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐๐ข๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ซ๐ฎ๐ -๐…๐ซ๐ž๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฉ๐ฅ๐š๐œ๐ž ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Nakiisa ang buong Barangay Council ng Barangay Jurisdiction sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Narciso P. Combate Sr. sa isinagawang Drug-Free Workplace Orientation of Barangays ngayong Mayo 18, 2026 sa Elderly Wellness and Youth Development Center.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng MADAC Lal-lo para sa lahat ng 35 barangay ng Lal-lo, katuwang ang PDEA Region 2 at PDEA Cagayan. Dumalo ang Barangay Jurisdiction sa afternoon session na binubuo ng 18 barangay.

Layunin ng orientation na mapalakas ang kaalaman at pagpapatupad ng isang ligtas, disiplinado, at drug-free na workplace sa bawat barangay.


โ€œ๐™‹๐™ช๐™ง๐™ค ๐™ ๐™– ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™ฅ๐™๐™ค๐™ฃ๐™š!โ€Isa sa mga linyang hindi mawawala sa bawat tahanan.Ngayong Motherโ€™s Day, saludo tayo sa lahat ng nan...
10/05/2026

โ€œ๐™‹๐™ช๐™ง๐™ค ๐™ ๐™– ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™ฅ๐™๐™ค๐™ฃ๐™š!โ€

Isa sa mga linyang hindi mawawala sa bawat tahanan.

Ngayong Motherโ€™s Day, saludo tayo sa lahat ng nanay na puno ng pagmamahal, pag-aalala, at walang sawang pag-aalaga.

Happy Motherโ€™s Day sa lahat ng ilaw ng tahanan!


๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‡๐จ๐ง. ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐. ๐๐š๐ฌ๐œ๐ฎ๐š๐ฅ!Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pamumuno para sa pat...
06/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‡๐จ๐ง. ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ ๐. ๐๐š๐ฌ๐œ๐ฎ๐š๐ฅ!

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pamumuno para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan at tagumpay sa inyong serbisyo publiko.


 #๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ | ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐Ÿ.๐ŸŽ (๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”)Ipinapaalam sa lahat ng residente ng Barangay Jurisdiction na ...
05/05/2026

#๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ | ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐Ÿ.๐ŸŽ (๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”)

Ipinapaalam sa lahat ng residente ng Barangay Jurisdiction na isasagawa ang Operation Suyod 2.0 ng Office of the Municipal Treasurer na may layuning mapalakas ang koleksyon ng buwis at maipabatid ang mga kaugnay na impormasyon sa ating komunidad.

Ang pagbisita sa Barangay Jurisdiction ay gaganapin sa Mayo 6, 2026.

Kabilang sa mga aktibidad ang:
โ€ข Branding of Large Cattle
โ€ข Real Property Tax Collection Campaign
โ€ข Establishment-to-Establishment Revenue Collection Drive
โ€ข Tax Information and Education Campaign
โ€ข Technical Assistance sa Barangay ukol sa Revenue Collection

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makipagtulungan sa nasabing gawain.

Maraming salamat po!


Isang taos-pusong pagbati kay Mrs. Madeline P. Badua, Barangay Health Worker ng ating barangay.Maraming salamat sa inyon...
04/05/2026

Isang taos-pusong pagbati kay Mrs. Madeline P. Badua, Barangay Health Worker ng ating barangay.

Maraming salamat sa inyong malasakit at dedikasyon sa pangangalaga ng kalusugan ng ating barangay. Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan at lakas sa inyong patuloy na paglilingkod.


๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!Sa bawat grind na pinagdadaanan ng ating mga manggagawa, unti-unting nagiging grand ang mg...
01/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!

Sa bawat grind na pinagdadaanan ng ating mga manggagawa, unti-unting nagiging grand ang mga pangarap. Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon para sa pamilya at sa ating barangay.


๐๐ข๐ฌ๐จ ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ค ๐ฌ๐š โ‚ฑ๐Ÿ”๐Ÿ.๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐ƒ๐จ๐ฅ๐ฒ๐š๐ซNaitala sa โ‚ฑ61.30 kada isang US dollar ang palitan ng piso nitong Martes, Abril 28,...
28/04/2026

๐๐ข๐ฌ๐จ ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ค ๐ฌ๐š โ‚ฑ๐Ÿ”๐Ÿ.๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐ƒ๐จ๐ฅ๐ฒ๐š๐ซ

Naitala sa โ‚ฑ61.30 kada isang US dollar ang palitan ng piso nitong Martes, Abril 28, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP), na kabilang sa pinakamahinang antas ng piso sa kasalukuyan.

Ayon sa mga ulat, ang paghina ng piso kontra dolyar ay maaaring makaapekto sa presyo ng mga imported na produkto, langis, at iba pang pangunahing bilihin.

Maaaring maramdaman ang epekto nito sa pang-araw-araw na gastusin ng mga mamamayan, lalo na sa paggalaw ng presyo ng ilang produkto at serbisyo.

Patuloy namang binabantayan ng mga kinauukulan ang galaw ng palitan at ang posibleng epekto nito sa ekonomiya.

Source: Bankers Association of the Philippines (BAP) via News5 Frontline Pilipinas

๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐’๐„๐ƒ๐€๐˜ ๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜ | ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ—Mga ka-Barangay, sa gitna ng usapin tungkol sa energy crisis at patuloy na pagtaas ng gastusin...
28/04/2026

๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐’๐„๐ƒ๐€๐˜ ๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜ | ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ—

Mga ka-Barangay, sa gitna ng usapin tungkol sa energy crisis at patuloy na pagtaas ng gastusin, mas mahalaga ngayon ang bawat matitipid para sa budget ng pamilya.

Dalawa sa mga pangunahing gastusin sa bahay ay kuryente at LPG na kapwa mahalaga sa araw-arawโ€”isa para sa ilaw at appliances, at isa para sa pagluluto ng pagkain.

Kaya naman ngayong ChooseDay Tuesday, alamin natin ang inyong opinyon:

Alin sa dalawang ito ang mas gusto mong magkaroon ng MALAKING DISCOUNT para gumaan ang budget ng pamilya?

Electricity Bill Discount
LPG Price Discount

React to vote:
๐Ÿ‘ Like โ€“ Electricity Bill Discount
โค๏ธ Heart โ€“ LPG Price Discount

Quick Trivia:
โ€ข Sa gitna ng tumataas na demand sa enerhiya, malaking bahagi ng household expenses ng maraming pamilya ay napupunta sa kuryente para sa ilaw at appliances.

โ€ข Ang LPG naman ay mahalagang pangangailangan sa kusina, at anumang bawas-presyo rito ay maaaring makatulong sa araw-araw na gastusin ng pamilya.

How to Join:
โ€ข Mag-react gamit ang Like o Heart upang bumoto.
โ€ข Mag-comment kung bakit ito ang napili ninyoโ€”maaaring ibahagi kung alin sa dalawa ang mas nakakaapekto sa budget ng inyong pamilya.

Ang mananalo ay pipiliin mula sa mga nag-comment ng pinaka-makabuluhang sagot mula sa winning poll option.

Premyo: โ‚ฑ200 GCash
Voting ends Friday at 11:59 PM

Choose It or Lose It โ€” Itโ€™s ChooseDay!



๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐’๐„๐ƒ๐€๐˜ ๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜ โ€“ ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ– ๐‘๐„๐’๐”๐‹๐“Matagumpay na naisagawa ang ating ChooseDay Tuesday Week 8 na may temang โ€œBoard Games v...
28/04/2026

๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐’๐„๐ƒ๐€๐˜ ๐“๐”๐„๐’๐ƒ๐€๐˜ โ€“ ๐–๐„๐„๐Š ๐Ÿ– ๐‘๐„๐’๐”๐‹๐“

Matagumpay na naisagawa ang ating ChooseDay Tuesday Week 8 na may temang โ€œBoard Games vs Mobile Games.โ€

Batay sa naging resulta ng ating poll, nakakuha ng 8 reactions (Like) ang Board Games at 2 reactions (Heart) ang Mobile Games. Dahil dito, nanguna ang Board Games bilang winning poll option.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at nagbahagi ng kanilang opinyon at karanasan.

Matapos suriin ang lahat ng komento, ang napiling may pinaka-makabuluhan, consistent, at may malinaw na karanasan at opinyon ay walang iba kundi:

WINNER: Mark Kian Ursulum Amaro

Winning Entry:

โ€œBoard Gamesโ€

Sa dami ng modernong laro ngayon, pipiliin ko pa rin ang board games dahil dito mas ramdam ang tunay na bonding. Iba pa rin yung magkakasama kayo sa iisang mesaโ€”may tawanan, asaran, at konting bardagulan kapag may nadaya pero lahat nauuwi sa saya.

Sa mobile games kasi, oo mas convenient at kahit saan pwede, pero aminin natinโ€”kahit magkakatabi kayo, kanya-kanya pa rin ng mundo. Tahimik ang paligid kasi lahat naka-focus sa screen. Minsan pa nga mas kinakausap mo pa yung kakampi mong online kaysa sa katabi mo sa personal.

Sa board games, walang โ€œlow battery,โ€ walang โ€œlag,โ€ at lalong walang โ€œAFK.โ€ Ang meron lang ay totoong usapan, totoong tawanan, at minsan totoong tampuhan na agad ding naaayos. Dito, hindi lang laro ang nabubuoโ€”kundi memories na hindi mo basta ma-e-exit o ma-delete.

Para sa akin, ang tunay na saya at bonding ay hindi nasusukat sa graphics o internet speed, kundi sa oras at atensyon na ibinibigay natin sa isaโ€™t isa. Kaya Board Games akoโ€”dahil dito, hindi lang panalo sa laro ang mahalaga, kundi panalo sa samahan.

Inaanyayahan ang ating nanalo na mag-message sa ating page upang ma-claim ang kanyang premyo.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating ChooseDay Tuesday. Abangan ang susunod na paksa ngayong Week 9.



Address

Lal-lo
3509

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639350852160

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Jurisdiction Lal-lo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share