04/03/2026
PCOL OLALIA, PD CSPPO, ININSPEKSYON ANG MGA DUTY MOTORCYCLE COPS SA BANTAY PATNUBAY MAHARLIKA SA PILI, CAMARINES SUR
Camp Colonel Juan Q. Miranda, Camarines Sur — Ika-3 ng Marso 2026, Ininspeksyon ni PCOL Virgilio O. Olalia Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), ang mga duty Motorcycle Cops na naka-deploy sa Bantay Patnubay Maharlika, Pili, Camarines Sur bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng police visibility at road safety operations sa lalawigan.
Sa isinagawang inspeksyon, personal na sinuri ni PCOL Olalia ang kahandaan, disiplina, at operational preparedness ng mga naka-duty na tauhan upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente sa kahabaan ng Maharlika Highway.
Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng dedikasyon, propesyonalismo, at sakripisyo ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko, kasabay ng paalala na ipagpatuloy ang mas pinaigting na pagbabantay at pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.
Patuloy ang panawagan ng CSPPO sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang mapayapa at ligtas na Camarines Sur.
PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police
Camarines Sur Ppo Pnp
Pili Mps