08/04/2026
Sa paggunita natin sa Araw ng Kagitingan, muli nating sariwain ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa ating kalayaan. Ngunit higit pa sa nakaraan, ang tunay na kagitingan ay nasa bawat isa sa atinโsa ating pagbangon sa gitna ng pagsubok at sa pagtulong sa kapwa nang walang pag-aalinlangan.
Nawaโy maging inspirasyon natin sila upang patuloy na maging bayani sa sarili nating paraan araw-araw. Manatiling matatag, manatiling tapat, at patuloy na maging inspirasyon para sa ating bayan.
Saludo sa bawat Pilipinong may pusong palaban. Isang mapagpalang Araw ng Kagitingan! โ