29/05/2026
TINGNAN | Ibinahagi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General sa kanyang mensahe para sa mga residente ng Binalbagan, Negros Occidental na hindi na nila kailangan pang lumayo o maghintay nang matagal para makapag-avail ng mga serbisyo ng PSA. Bagkus, inihatid na ito ng PSA direkta sa komunidad sa pamamagitan ng โOne Time, Big-Time Serbisyo Caravanโ na kasalukuyang ginaganap sa naturang munisipalidad.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilapit at gawing mas mabilis ang mga serbisyo publiko para sa bawat Pilipino, isinasagawa ng PSA ngayong araw ang mobile services para sa National ID at civil registration sa Binalbagan, Negros Occidental na naglalayong hikayatin din ang mga residente na magpa-rehistro sa National ID at civil registration.