10/05/2025
THE TRUE LEGACY: Experienced Leader for the Town-Building | Halalan 2025
Ang mga pagbabagong nangyayari sa ating bayan ay isang kapaki-pakinabang na ating natatamasa lalo na sa mga school activities na maaaring gawin sa mga Complex Building; maayos na parking space sa harap ng Labrador Central School upang sa gayon ay walang disgrasyang maganap lalo na sa mga estudyanteng naglalakad sa tabi ng kalsada; ang mga renovated na gusali sa ating pamilihang bayan na mas maayos at mas malinis tignan kumpara sa dati; mga sinimentong daan sa mga barangay na naging mas maayos at ligtas na daanan; at marami pang iba.
Mula sa mga proyektong naipatayo na, hanggang sa mga maaaring pagmulan ng mga posibleng trabaho sa hinaharap. Sa katotohanan, sadya talagang napakaganda ng modernisasyon na nangyayari sa ating bayan.
Ika nga ng mga estudyante, sila ay pumapabor sa progreso ng ating bayang Labrador. Mas naging maganda, maaliwalas, malinis, at mayaman ang ating bayan na maaaring pumabilang sa mga progresibong bayan sa probinsya ng Pangasinan.
Ayon sa tala, sa mga nagdaang taon ng pamumuno ng iba't ibang administrasyon, bukod-tanging sa pamumuno lamang ng kasalukuyang administrasyon ni Engr Ernesto Acain naparangalan ng 2024 Seal of Good Local Governance ang ating bayan. Naging 3rd Class Municipality rin mula sa dati nitong ranggo na 4th Class. Makikita rin natin ang mga building na may mga establishimentong makikita lamang natin sa mga progresibong munisipalidad gaya ng St. Joseph Drugstore, Cindy's Bakeshop, at Shopping Center. Ito ay mas darami pa dahil sa adhikain ng ating alkalde na modernisasyon sa ating mas yumayabong na bayan. Sa mga proyekto para sa taumbayan, kalikasan, at kabuhayan, hanggang sa pagsusulong ng makabuluhang mga ordinansa.
Ang pagpapatayo ng isang hospital ay malayo sa makatotohanang mangyari o kahit ito'y ipangako pa. Una, dahil hindi ito matatawag na hospital kundi ito ay posible lamang na isang community infirmary. Ang pagpapatuloy ng operasyon sa dating infirmary sa ating bayan ay isa nang napakahirap ilunsad dahil napakaraming kinakailangang i-comply alinsunod sa 2023-2028 LGU Health Scorecard Metadata p. 16 na naglalaman ng mga kinakailangang bilang ng mga health professionals, at infirmary equipments/instruments. Kinakailangang mag-comply ang isang LGU sa requirements ng DOH.
Sa halip, mayroong mga alternatibong aksyon ang ating administrasyon. Ito ay nakapost na sa ating FB Page (A Healthy Labradorians, A Happy Labradorians) π
Sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabataan, ngayong eleksyon, piliin ang may napatunayan na. Piliin ang lider na siguradong mag-aangat sa inyong kinabukasan at ng ating bayan. Huwag magpaniwala at dumepende sa sabi-sabi sapagkat nasa inyo nang nakikita ang hinahanap na kasagutan. Ito ang ating bayang kinalakhan at ito rin ang bayan kung saan tayo ay magreretiro, at kung saan ang mga susunod na henerasyon ay makararanas ng mga benepisyong mayroon ang ating bayan. Gawin nating makabuluhan ang pagtira sa ating pamayanan. Magsama-sama tayo at gawin ang pagbabago.
Sa dami ng tumatakbo bilang lingkod bayan, isang paalala na maging mapanuri at mapagmatiyag ngayong eleksyon. Magsaliksik sa bawat kandidatong tatakbo. Suriin kung may nagawa na ba at kung may adhikain bang maipagpapatuloy ang pagbabago para sa ating mas progresibong bayan.
Sa huli't huli, nasa ating mga kamay ang pagpili ng mga lider na magdadala ng magandang kinabukasan para sa ating sarili, magiging mga anak, mga apo, at sa mga susunod pang henerasyon.