31/05/2026
TINGNAN: 42nd Infantry Battalion, Nakiisa sa Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng E-CLIP sa Camarines Norte
Patuloy ang mariing suporta ng kapayapaan at balik-loob programa ng pamahalaan matapos dumalo ang mga kinatawan ng 42nd Infantry (Tagapagtanggol) Battalion (42IB) sa ginanap na 2nd Quarter Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Committee Meeting noong ika-29 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng Gobernador ng Camarines Norte na si Hon. Ricarte R. Padilla, kasama ang Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade na si COL ARNEL B BAUTISTA GSC (INF) PA, Brigade Commander, LTC MARCIAL M LUMANGA GSC (INF) PA, Battalion Commandert ng 42nd Infantry Battalion, Provincial Director ng DILG na si Ms. Melody E. Relucio, kapulisan at lokal na opisyales ng pamahalaan.
Pinangunahan ng Provincial E-CLIP Committee ang diskusyon na nakatutok sa mabilis at maayos na pagkakaloob ng mga benepisyo tulad ng tulong-pinansyal, suporta sa kabuhayan (livelihood assistance), at mga pagsasanay sa ilalim ng TESDA para sa mga nagbalik-loob. Tinalakay din sa pagpupulong ang mga hakbangin upang mas mapalawak ang pag-abot sa mga kasapi pa ng rebeldeng grupo na nagnanais na magbagong-buhay.
Nakatanggap din ang dating rebelde ng asistensya mula sa pamahalaan para kanilang tulong pinansyal para sa kanilang pagbabagong buhay.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng kasundaluhan, kapulisan, at lokal na pamahalaan, napananatili ng Camarines Norte ang katayuan nito bilang isang mapayapa at maunlad na lalawigan na handang yumakap sa sinumang nagnanais ng tunay na pagbabago.