Story Mo To

Story Mo To Ang page na ito ay ginawa para sa mga taong mahihilig magbasa ng story especially about love. Paniguradong aalis kayo sa page na to na may ngiti.

15/06/2021

I know it's too late to announce but I'm sorry if my sister can't do this stories anymore because she already died last December 1, 2020 πŸ’”πŸ˜­ But thank you sa mga sumuporta sa kanyaaaa β™₯️ You all made her feel appreciated β™₯️

27/04/2018

I love you Bestfriend 😘

27/04/2018

πŸ‘‘ Yung taong pinakamahirap Kalimutan ay yung taong kahit kelan hindi naging kayo pero minsan nang pinasaya at binago ang takbo buhay moπŸ™ˆ

26/04/2018

PAANO MO MAKALILIMUTAN ANG TAONG SOBRA MONG MINAHAL?

> UNA. Isipin mo lahat ng bagay na masasakit na ginawa nya sa'yo. Oo iiyak ka nanaman jan, Pero okay lamang yan. Bakit nga ba masasakit na moments ang kailangang isipin? Simple lang, para itanim mo diyan sa isip mo na hindi mo na siya dapat pang balikan. Hindi mo na dapat pang maranasan lahat ng sakit na pinagdaanan mo sa kanya. Habang iniisip mo kasi ang mga masasayang alaala ninyo, mas lalo ka lang manghihinayang. Mas lalo mo lang siyang gugustuhing mahalin pa.

> PANGALAWA. Wag ka ng umasa pa na babalikan ka niya. Kasi habang umaasa ka, mas lalo ka lang masasaktan. Iniwan ka na nga nya diba? At ginawa mo na lahat para bumalik sya sayo, pero mas pinanindigan niya na tuluyan ka ng mawala sa buhay niya.
Tama na! Huwag ka maging TANGA.

>PANGATLO. Huwag mo na kasi iniinstalk ang facebook nya. Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo niyan eh, unfollow him/her. Or better iblock mo na lng. Kung binlock mo naman na siya, huwag ka ng gumamit ng other account para lang ma-stalk mo siya ulet. Ano? Tanga-tangahan lang? Binlock mo na tapos stalk ka pa rin ng stalk? Eh ano naman ngayon kung in a relationship na siya. WALA na nga kayo diba? Kahit single man yan, hayaan mo na siya, hindi nya deserve ang pagmamahal mo.

> PANG-APAT. Make yourself busy. Humanap ka ng bagay na makakapagpasaya sayo. Hangout w/ your friends. Uminom ka kasama ng mga kaibigan mo, okay lang yan wag mo lang sosobrahan at minsan lang, para lamang mailabas mo lahat ng sakit. Pero mas better kung di dadaanin sa inom.
Gumawa ka ng gawaing bahay, magluto maglinis, maglaba. Tiyak, matutuwa pa sa'yo ang nanay mo πŸ’―βœ”

11/04/2018

🌡 Huwag mong iyakan. Palitan mo ! πŸ˜ŒπŸ˜ŒπŸ‘Š

09/04/2018

Kung proud ka sa BESTFRIEND mo na Bestfriend mo siya. Mention mo nga πŸ˜ŠπŸ’•

08/04/2018

Minsan kailangan mo ring tanggapin na HINDI ka Crush ng crush mo 😭😭

04/04/2018

BAKIT WALA KA PANG BOYFRIEND?

-

Wala pa akong Boyfriend, hindi dahil sa hindi ako maganda. Hindi dahil walang nanliligaw sa akin. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa akin. Hindi dahil sa hindi pa dumarating yung perfect guy para akin at lalo namang HINDI dahil si Crush hindi ako pinapansin. WALA PA AKONG BOYFRIEND kasi sabi ng nanay at tatay ko na huwag na muna ako magbo-boyfriend. Sabihin man natin na hindi natin mapipigilan magmahal pero sumusunod lamang ako sa parents ko. "Unahin muna ang pag-aaral mo bago ang boyfriend na yan, nandiyan lang yan." "Wag muna magpasok ng ibang lalaki sa buhay kasi ang mga lalaki kapag nakuha na ang gusto, iiwan rin kayo niyan." "Matuto munang magluto bago mag-asawa." "Mga bata pa kayo." Ilan lamang yan sa pangaral ng mga magulang ko.

Kaya kung iniisip mo kaya WALA PA AKONG BOYFRIEND KASI HINDI AKO MAGANDA. Nagkakamali kayo. Sa panahon ngayon, kailangan muna nating sundin ang ating mga magulang kasi alam nila kung ano ang makakabuti sa atin.
Iloveyou Ma and Pa 😘

PS: HI SA MGA KAGAYA KO.
PPS: SANA MAPOST ITO ADMIN/AUTHOR
PPPS: GANDA KO HAHAHA.

-IcaπŸ’•
-Las Piñas❀
-Loving DaughterπŸ’―βœ”

04/04/2018

πŸ‘» IKAW! Oo ikaw! Ang ganda mo. Kaya huwag mong sayangin ang luha mo sa maling tao πŸ˜ŠπŸ’•

03/04/2018

πŸ™ˆ Wala pa ring tatalo sa lalaking kilala si God at may respeto sa mga Babae πŸ˜πŸ’•

03/04/2018

ME : God? Nagmahal lang naman po ako. Bakit po ako nasasaktan?

GOD: Kasi anak, minamahal mo ng sobra ang taong hindi ko naman inilaan para sa iyo πŸ˜‡πŸ’•

02/04/2018

πŸ’€ PUSON lang ang may karapatang manakit sa mga BABAE πŸ’•

Address

Bicol
Labo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Story Mo To posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category