Office of the Student Affairs and Services SLUC

Office of the Student Affairs and Services SLUC Official FB Page

Student Affairs and Services
D M M M SU
South La Union Campus

30/05/2026
26/05/2026

๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ | Enrollment Procedures for Continuing and New Students

๐…๐Ž๐‘ ๐๐„๐– ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“๐’

Step 1: PROGRAM CHAIRPERSON
Proceed to your Program Chairperson and Fill out the Enrolment Permit and Registration Form

Step 2: REGISTRAR
Proceed to the Registrar for the Submission of Needed Requirements and Encoding of Student Data.

Step 3: MEDICAL AND DENTAL SERVICES UNIT
Proceed to the Medical and Dental Services Unit and submit the needed requirements and forms for the approval of your enrollment permit.

Step 4: STUDENTS AFFAIRS & SERVICES UNIT
Proceed to the SAS Scholarship Coordinator for the application and approval of your Free Higher Education (FHE) Form.

Step 5: PROGRAM CHAIRPERSON
Proceed to your Program Chairperson for the enlistment of subjects and assessment of fees.

Step 6: CASHIER
Proceed to the Cashier and pay the fees that are not covered by the FHE Scholarship.

Step 7: REGISTRAR
Proceed to the Registrar for the validation of enrollment.

๐…๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐“๐ˆ๐๐”๐ˆ๐๐† ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“๐’

Step 1: STUDENTS AFFAIRS & SERVICES UNIT
Proceed to the SAS Scholarship Coordinator for the application and approval of your Free Higher Education (FHE) Form.

Step 2: PROGRAM CHAIRPERSON
Proceed to your Program Chairperson for the enlistment of subjects and assessment of fees.

Step 3: CASHIER
Proceed to the Cashier and pay the fees that are not covered by the FHE scholarship.

Step 4: REGISTRAR
Proceed to the Registrar for the validation of enrollment.

26/05/2026
19/05/2026
30/04/2026
30/03/2026

๐ƒ๐„๐•๐‚๐Ž๐Œ๐Œ | ๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ

Tumatagaktak na pawis, tumutulong ulanโ€”ito ang nakasanayang sitwasyon ng mga SLUCians. Sa paglalakad sa kampus, ang tanging sandigan ay payong, jacket, o minsan SPF 50+++ lamang.

Kung kayaโ€™t, sa pagtirik ng mga masisilungang daan sa DMMMSU-SLUC, nagliwanag ang mukha ng bawat isa. Isang proyektong kaisa ng Campus Student Body Organization (CSBO) Operational Plan na layong magbigay proteksyon sa nakakapasong sikat ng araw at marahas na buhos ng ulan.

๐’๐ข๐ง๐š๐  ๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž, ๐ค๐ข๐ฌ๐ฅ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข.

Nagbabago na ang klima ng mundoโ€”heat index na pumapalo sa 42ยฐC at buhos ng ulan na walang pinipiling oras. Sa samu't saring mga pagsubok na dinaraanan ng mga SLUCian, ang pagkakaroon ng daanang bawas pasakit ang isa sa kanilang mga kahilingan. Kung kayaโ€™t, gamit ang sinag ng kanilang mga boses, silaโ€™y nagkapit-bisig upang iparating ang pagbabago sa anyo ng imprastrakturang โ€œcovered walk.โ€

โ€œAng covered walk po ay isang proyektong nagmula sa aktwal na karanasan ng mga estudyante at isinulong sa pamamagitan ng magkasunod na administrasyon. Noong A.Y. 2024โ€“2025, ito ay na-identify at na-program bilang bahagi ng student body initiatives. At sa kasalukuyang termino, ito naman ay aming ipinagpatuloy at isinakatuparan sa pamamagitan ng pormal na pag-apruba at implementasyon,โ€ tugon ni Xander Vaughn V. Angeles, ang kasalukuyang Chairperson ng CSBO, nang tanungin kung paano nagsimula ang proyekto.

Batay sa Planning Office, nagkakahalaga ng humigit-kumulang pitong milyong piso ang buong proyekto. Sa unang yugto nito, 2.3 milyon ang badyet na inilaan na manggagaling sa Student Priority Project Fund (SPPF) ng taong panuruan 2024โ€“2025. Saklaw ng proyekto ang mga pangunahing daan ng mga mag-aaral at g**o. Sa kasalukuyan, nagsimula na ang konstruksyon nito malapit sa CAS Forest at SLUCian Hub.

๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ฒ๐ฐ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ก๐ข๐ง๐š๐ข๐ง๐ , ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ ๐š๐ฒ โ€˜๐๐ข ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐ง๐ .

Kung noon, mukhang โ€œhaggardโ€ ang mga mag-aaral, hindi lang dahil sa dami ng gawin, kundi dahil din sa lakarang walang pangga sa araw at ulan, ngayon silaโ€™y mas โ€œfreshโ€ na. Hindi na rin mainit ang kanilang mga hinaing sapagkat daing nilaโ€™y dininig. Isang matinding pangangailangan ng mga estudyante, g**o, at sangka-eskwelahan ang siyang unti-unting napupunan. Malayo pa man ang tinatayang petsa ng pagkakumpleto ng proyekto, tanaw na ang mas maginhawang paglalakad sa kampus.

โ€œMaganda siyang step, especially sa tag-araw. Nababawasan โ€˜yong daraanang sobrang init at pati na rin sa tuwing tag-ulan. I commend naman โ€˜yong mga ganitong projects, kasi it helps students. Sana mas mahaba pa at maayos ang puwesto para hindi siya maging panandaliang lilim lamang,โ€ masigasig na pahayag ni Rianne, isang mag-aaral ng DMMMSU-SLUC.

Ayon kay Angeles, ang covered walk ay isang konkretong tugon sa pangangailangan ng student body at hindi daanan lamang. Nagsisilbi itong munting kislap na bahagi ng mas maayos at โ€œstudent-friendlyโ€ na kampus sa hinaharap.

๐“๐š๐ง๐ ๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐, ๐ก๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ก๐š๐ฒ๐š๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ.

Maliit man na hakbang kung maituturing ang mga โ€œcovered walk,โ€ malaking tulong ang dulot ng mga ito sa paggalaw sa kampus. Isang proyektong nagsimula sa anino ng panawagan ng mga mag-aaral, itinaguyod ng CSBO at binigyang-liwanag ng institusyon. Ang โ€œcovered walkโ€ ay isang proyektong hindi lamang pisikal na kaginhawaan ang dulot, bagkus pinatatag din ang pagkakaisang pangkampus, kung saan ang lahat ay may patak ng ideyang ambag para sa kaunlaran.

โ€œThere is definitely a plan to extend the covered walk. The long-term vision from our meeting with the Planning Office is to continue expanding these walks to reach every corner of the campus. Beyond comfort, this infrastructure improves campus safety by providing a dry, slip-resistant path for everyone, including those with mobility challenges,โ€ ani Ms. Myla Servito, dating Chairperson ng CSBO, nang tanungin ukol sa planong pagpapaunlad sa proyekto.

Sa patuloy na pagsulong ng mga proyektong nakatuon sa pangangailangan ng mga SLUCian, kinakailangang mas nag-aalab pa ang pagsasanib-lakas natin upang itoโ€™y matugunan. Huwag nating hayaang manatili sa dilim ang mga panawagan. Sa bawat pagtayo ng mga lilim, dapat mas magliwanag ang ating tinig. Tulad ng mga โ€œcovered walkโ€ na pumoprotekta, pangalagaan natin ang diwa ng pagkakaisa tungo sa pagkamit ng isang mas ligtas, kumportable, at inklusibong DMMMSU. #

๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | Lara Mae Seiler
๐Š๐ฎ๐ก๐š | Kimwell Teofilo

15/03/2026

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | The University will accept walk in applications to the DMMMSU College Admission Test starting tomorrow, March 16, 2026 (Monday).

For queries on admissions, kindly reach out through the addresses below.

24/02/2026

ANNOUNCEMENT

Due to the high volume of online CAT applications received, please expect a delay in our responses and in the release of schedules and application updates.

We sincerely appreciate your patience and understanding as we carefully review and process each submission. Rest assured that each applicant will be informed once their application has been processed.

Thank you for your cooperation.

09/02/2026

Ready for a fresh academic start?

Applications are now open for ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐œ๐จ๐ง๐-๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ž ๐“๐š๐ค๐ž๐ซ๐ฌ (AY 2026โ€“2027).

Submit your application for admission between Feb 9 โ€“ Apr 10, 2026 and move closer to the future you deserve.

The ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ may be downloaded through this link:
https://www.dmmmsu.edu.ph/dcat2026/

Your next chapter begins here. Apply now.

Address

Consolacion, Agoo
La Union
2504

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Student Affairs and Services SLUC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share