31/05/2026
JTUP lumahok sa Brigada Eskwela ng Tawang Integrated School ,Brgy. Tawang, La Trinidad, Benguet
CAMP HENRY ALLEN, BAGUIO CITY — Nakipagtulungan ang Joint Task Unit “Panagkaykaysa” sa iba’t ibang gawain tulad ng paglilinis ng paligid ng paaralan, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at iba pang boluntaryong serbisyo upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral, magulang, g**o, at PTA Officers ng Tawang Elementary School sa isinagawang Brigada Eskwela netong Mayo 30, 2026.
Pinangunahan naman ni Mr. Benson C. Labad-dan, School Principal ang aktibidad na naglalayong ihanda ang paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad.
Sa pamamagitan ng diwa ng bayanihan at pagkakaisa, muling naipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan. Ang ganitong mga gawain ay nagpapatibay rin ng ugnayan sa pagitan ng komunidad at mga katuwang sa serbisyo publiko.
Patuloy na ipinapakita ng Joint Task Unit “Panagkaykaysa” ang suporta nito sa mga programang pangkomunidad at pang-edukasyon bilang bahagi ng adhikain nitong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran.