19/06/2026
🌊 Matapos ang M7.8 Offshore Sarangani Earthquake, nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng mga lugar na nakaranas ng coastal uplift o pag-angat ng bahagi ng baybayin sa ilang isla sa Davao Occidental.
Sa isinagawang field assessment ng PHIVOLCS Quick Response Team (QRT), naobserbahan ang mga dating nakalubog na coral reef at baybaying lugar na ngayon ay nakaangat at mas lantad na sa ibabaw ng dagat.
Mahalaga ang mga obserbasyong ito upang mas maunawaan ang mga epekto ng lindol at makatulong sa mga susunod na pag-aaral at hazard assessment.