17/11/2025
𝐏𝐀𝐍𝐆-𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐄𝐓𝐘 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 (𝐂𝐒𝐎𝐬)
Ang CSO Desk Office ay ONLINE na!
Ikinagagalak naming ipabatid na ang Senator Ninoy Aquino - Civil Society Organization Desk Office ay opisyal nang ONLINE upang mas mapadali ang inyong profiling at pagproseso ng dokumento.
Maaari na po ninyong isumite ang inyong CSO Profile sa pamamagitan ng aming opisyal na Google Form, para sa mas mabilis, maayos, at transparent na serbisyo.
Kung kayo man ay isang community group, youth organization, cooperative, homeowners’ association, sectoral organization o kahit na anong organisasyon dito sa bayan ng Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, na hindi pa nakapag profile dito sa opisina ng CSO Desk, hinihikayat namin kayong magpa - profile upang maging bahagi ng mga programang pangkaunlaran at proseso ng participatory governance ng ating Lokal na Pamahalaan at tumulong sa pagpapatibay ng mga programa para sa komunidad.
📌 PUNTAHAN ANG ONLINE CSO PROFILE FORM DITO:
👉 https://forms.gle/TRr1Qm8jKqp2DwQBA
Para sa karagdagang katanungan, maaari ninyong i message ang page na ito o bumisita lamang sa SNA - CSO Desk Office, Municipal Grounds, Purok Sampaguita, Barangay Kulaman, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM.