30/05/2026
๐๐๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ (๐๐) ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐
Koronadal City, South Cotabato โ Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda, matagumpay na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) - XII, sa pamamagitan ng Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD), ang seremonya ng pagkilala at paggawad sa mga natatanging mangingisda ng rehiyon noong Mayo 29, 2026 sa Lungsod ng Koronadal.
Layunin ng nasabing program ana kilalanin at parangalan ang mga mangingisdang nagpakita ng pambihirang dedikasyon, sipag, at kontribusyon sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan. Sa kabila ng ibaโt ibang hamon na kinakaharap ng industriya, patuloy nilang pinatututunayan ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain at kabuhayan ng maraming Pilipino.
Sa kanyang opening remarks, ibinahagi ni Ginang Gemma Chyrel G. Moreno โ OIC ng RFTFCD, na โang Kawanihan ng pangisdaan ay may sapat na suporta at hindi mag-iiwanan, at lahat ng nandirito sa panauhing ito ay salamin ng pagkakaisa,โ kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan, malasakit, at pagkakaisa ng mga kabilang sa sektor ng pangisdaan upang higit pang mapatatag ang industriya at maisulong ang mas maayos na kinabukasan para sa lahat.
Sa kabuuan, labing-dalawang natatanging mangingisda mula sa ibaโt ibang bahagi ng rehiyon ang ginawaran ng pagkilala dahil sa kanilang walang sawang paglilingkod at pagsisikap para sa ikauunlad ng sektor ng pangisdaan.
Naging mas makahukugan pa ang nasabing okasyon sapagkat ito rin ang huling araw ni Mangingisdang Direktor Loreto G. Baay, sa kanyang isang buwang panunungkulan bilang โMangingisdang Direktorโ. Sa loob ng kanyang termino, ipinakita niya ang taos-pusong suporta at pakikiisa sa mga programa at adhikain para sa kapakanan ng mga mangingisda at ng sektor ng pangisdaan sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot niya ang taos-pusong pasasalamat at mataas na pagkilala sa walang sawang dedikasyon at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda na patuloy na lumalaban sa kabila ng mga hamon ng krisis sa ekonomiya, pagbabago ng klima, at iba pang suliranin sa kabuhayan. Binigyang-diin niya na sa bawat patak ng pawis sa dagat, ilog, lawa, at bukid, nakasalalay ang seguridad sa pagkain ng bansa at ang kinabukasan ng mamamayan.
Giit pa niya, ang sektor ng agrikultura at pangisdaan ay nananatiling pundasyon ng matatag na ekonomiya, kayaโt mahalaga ang patuloy na pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos upang higit pang mapalakas ang industriya. Hinikayat din niya ang lahat na ipagpatuloy ang pagpupunyagi at hindi mawalan ng pag-asa, sapagkat ang kanilang trabaho ay hindi lamang hanapbuhay kundi isang mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa.
Bilang pagtatapos, taos-pusong nagpaabot ng pasasalamat si OIC โ Regional Director Eugene M. Casas sa ngalan ng BFAR, kasabay ng pagbibigay-pugay sa mga awardee na itinuturing na haligi ng seguridad sa pagkain ng bansa.
Ayon sa kanya, sila ang tunay na dahilan kung bakit may sapat na laman ang hapag-kainan ng bawat Pilipino. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng kawanihan at ng mga magsasaka at mangingisda: โHindi po namin ito magagawa nang kami lang sa Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig, kailangan po namin ang inyong tulong at pakikiisa.โ
Dagdag pa niya, bagamaโt natapos na ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda, hindi natatapos ang kanilang misyon at tungkulin na maglingkod at umalalay sa sektor. Nanatiling buo ang kanilang pangako na ipagpapatuloy ang mga programang magpapatibay sa kabuhayan at magpapalakas sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda, bilang patunay ng walang patid na suporta para sa kanilang mahalagang ambag sa bansa.
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang naging pagkakataon upang kilalanin ang kanilang mga tagumpay, Kundi nagsilbi ring inspirasyon sa iba pang mangingisda na patuloy na magsikap at makiisa sa mga programang naglalayong mapaunlad ang industriya ng pangisdaan sa bansa.