05/08/2026
๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
TACURONG CITY โ Matagumpay na idinaos noong ika-4 ng Agosto 2026 sa Tacurong City District Jail โ Male Dormitory, Lungsod ng Tacurong, Lalawigan ng Sultan Kudarat, ang Ikatatlong Senior High School at Ika-16 na Palatuntunang Pagtatapos ng Elementarya at Junior High School ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).
Sa temang: โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ pinangunahan ang programa ng BJMP Regional Office XII sa pamumuno ni OIC Regional Director JSSUPT ISRAEL R ARBOLEDA, kasama si JINSP ULYSSES M CASPILLO, Hepe ng Kapakanan at Pagpapaunlad, katuwang din sina Jail Warden JCINSP DANILO P CASTILLON ng Tacurong City District Jail - Male Dormitory at OIC Jail Warden SJO3 IREN A TENCHAVEZ ng Tacurong City District Jail - Female Dormitory sa pakikipagtulungan ng Schools Division OfficeโTacurong sa pamumuno ni Dr. CARLOS G. SUSARNO, at dinaluhan ni Konsehal ATTY. REMO Y. FLORES.
Binubuo ang kabuuang 35 na mga PDL ang matagumpay na nakamit ang kanilang mga layuning pang-educkasyon sa pamamagitan ng ALS: 12 - nagtapos sa Edukasyong Elementarya, 11 sa Junior High School, 7 and nakaakyat sa Baitang 11 (Grade 11), at 5 ang nagtapos sa Senior High School (Grade 12).
Ang makabuluhang seremonya ay patunay na sa pamamagitan ng edukasyon, nabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL na magbago, abutin ang mga pangarap, at makapaghanda para sa matagumpay na pagbabalik sa lipunan.