27/05/2026
South Cotabato, pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa SOCCSKSARGEN
KORONADAL CITY, South Cotabato - Ipinahayag ni Reynaldo S. Tamayo Jr. ang kumpiyansa na magpapatuloy at lalo pang lalakas ang economic momentum ng South Cotabato sa 2027 dahil sa mas maayos na pamamahala, matibay na ugnayan sa pribadong sektor, at patuloy na paglago ng mga industriya sa lalawigan.
Sa regular na โMeet the Pressโ briefing noong Mayo 25, sinabi ni Tamayo na nakapagtala ang South Cotabato ng 6.9 porsyentong Gross Domestic Product o GDP growth rate, dahilan upang maging pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Mas mataas din ito kumpara sa regional at national growth averages, na ayon sa gobernador ay patunay ng โbroad-based and inclusiveโ development sa lalawigan.
โ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข-๐ข๐ฎ๐ข๐ป๐ฆ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข 6.9%. ๐๐ด๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ด,โ ayon kay Tamayo.
Iniuugnay ng gobernador ang economic growth sa sama-samang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, negosyante, investors, at pribadong sektor. Aniya, malaking tulong ang mga development programs at investments upang mapalakas ang economic performance ng lalawigan.
Ayon pa kay Tamayo, halos pantay ang paglago sa agriculture, services, at industrial sectors, na indikasyon ng isang matatag at diversified economy. Gayunman, binigyang-diin nito na nananatiling may malaking potensyal ang agrikultura at ito pa rin ang pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan.
โ๐๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ฉ๐ข๐ญ๐ฐ๐ด ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ต๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ, ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด, ๐ข๐ต ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฆ๐ด. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฎ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ท๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ด๐ข ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ, ๐ข๐ต ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐๐ฐ๐ต๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ฐ,โ dagdag nito.
Patuloy ding pinalalakas ng lalawigan ang modernisasyon sa pagsasaka, pagpapalawak ng market access ng mga lokal na magsasaka, at paghikayat ng investments sa agri-based industries upang makalikha ng mas maraming oportunidad lalo na sa mga rural communities.
Umaasa rin si Tamayo na mas lalo pang gaganda ang GDP performance ng lalawigan sa susunod na taon sa tulong ng mga bagong infrastructure projects, investments, at business collaborations.
โ๐๐ฃ๐ช๐จ ๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ, ๐ฃ๐บ ๐ฏ๐ฆ๐น๐ต ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ, ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐บ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฎ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ,โ saad ng gobernador.
Hinimok din nito ang business community na ipagpatuloy ang healthy competition at innovation dahil mahalaga umano ang aktibong partisipasyon ng mga negosyante at investors para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya.
Sa patuloy na paglago ng ekonomiya at pagdami ng investments, inaasahang lalo pang titibay ang posisyon ng South Cotabato bilang isa sa pangunahing economic hubs sa Mindanao.