19/08/2025
Ang Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain o Land Registration Authority (LRA) ay nakikiisa sa paggunita ng ika-147 anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon ngayong araw, ika-19 ng Agosto 2025, alinsunod sa Republic Act No. 6741.
Ang kaniyang mga isinulong na reporma sa lupa ay nagtaguyod sa karapatan ng mga mahihirap at nagsilbing pundasyon ng mga sumunod na programa ng pamahalaan para sa katarungang panlipunan.
Kilala rin ang kaniyang liderato sa pagiging bukas at makatao sa kapwa Pilipino at maging mga estranghero; patunay na ang kalidad ng ating serbisyo publiko noon pa man ay tunay na pagpapala hindi lamang sa ating bansa ngunit maging sa ibang panig ng daigdig.
Ang mga ehemplong ipinamalas ng "Ama ng Wikang Pambansa" para sa pagkakaisa at kaunlaran ng bayan ay nararapat na alalahanin at ipagdiwang.
Kaugnay sa natatanging okasyong ito, suspendido ang operasyon ng trabaho sa LRA Central Office, mga Registries of Deeds sa probinsiya ng Quezon at Aurora, at Registry of Deeds ng Quezon City ngayong araw.
Ang Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain o Land Registration Authority (LRA) ay nakikiisa sa paggunita ng ika-147 anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon ngayong araw, ika-19 ng Agosto 2025, alinsunod sa Republic Act No. 6741.
Ang kaniyang mga isinulong na reporma sa lupa ay nagtaguyod sa karapatan ng mga mahihirap at nagsilbing pundasyon ng mga sumunod pang programa ng pamahalaan para sa katarungang panlipunan.