01/06/2026
๐ต๐ญ UNANG FLAG CEREMONY SA BUWAN NG HUNYO ๐ต๐ญ
Matagumpay na isinagawa ang unang flag ceremony para sa buwan ng Hunyo sa Barangay Concepcion sa pangunguna ni Punong Barangay Mema Lademora Joquino kasama ang mga miyembro ng Barangay Council.
Dumalo rin sa nasabing gawain ang mga empleyado ng barangay, BHW, BSI, BPATs,Purok President, Senior Citizens, Navigators, at mga miyembro ng BACOTODA. Bahagi rin ng programa ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng BACOTODA.
Naging maayos at makabuluhan ang buong seremonya, na naging posible sa tulong at kooperasyon ng lahat ng dumalo. Ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ang nagsilbing punong-abala sa programa at nagpakita ng kahusayan sa kanilang tungkulin.