04/02/2026
MR-SIA BAKUNAHAN, ARAW-ARAW NG MAGSESERBISYO SA KIDAPAWAN CITY MEGA MARKET
Kidapawan City- Upang masigurong walang batang edad 6-59 Months sa Lungsod ng Kidapawan ang makakaligtaan na mabibigyan ng Measles-Rubella Vaccine, mas inilapit ng City Health Office ang kanilang mga Vaccination Posts sa publiko.
Simula ngayong araw, February 3, 2026 hanggang sa February 13- magdaragdag ng mga Vaccination Posts ang City Health Office sa Kidapawan City Mega Market.
Ito ay upang mas maging accessible sa mga residenteng malapit sa nasabing merkado, gayundin sa mga magtutungo sa sakayan at terminal.
May mga kawani rin ng CHO na maglilibot sa Mega Market at kalapit na lugar upang ipaalam na maaaring magpabakuna sa kanilang Vaccination Posts, gayundin ang mga magberipika kung napabakunahan na ang batang nasa kanilang area.
Sa ganitong paraan mas makakasiguro ang City-LGU at CHO, na lahat ng bata sa lungsod ay maililigtas at maproprotekhan sa piligrong hatid ng Tigdas. # #(Ryzyl M. Villote | City Information Office)