28/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
Masiglang nakilahok ang ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ ๐๐๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ sa isinagawang ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ng DILG Region XII sa pamamagitan ng DILG Provincial Office of Cotabato, kasama ang pilot LGU ng Arakan at iba pang katuwang na tanggapan noong ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐, ๐๐๐๐ sa ๐๐๐
๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐จ๐ , ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ.
Tampok sa talakayan ang pagbabahagi ng Kidapawan City sa naging resulta ng HINABI: Youth Dialogue for Peace na isinagawa noong Hulyo 2026, kung saan naging mahalagang bahagi ang boses at pananaw ng kabataan sa pagtukoy ng mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan at kaunlaran.
Ibinahagi rin ng lungsod ang Comprehensive Implementation Plan, kabilang ang mga pangunahing youth-related concerns tulad ng online gambling, online safety, teenage pregnancy, literacy gaps, at kakulangan ng ligtas at functional spaces para sa kabataan.
Sa halip na tingnan lamang ang mga ito bilang problema, isinusulong ng Core Team ang Positive Youth Development approachโpagbibigay sa kabataan ng tamang suporta, skills, mentorship, at positibong oportunidad upang sila mismo ay maging bahagi ng solusyon.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng pamilya, paaralan, pamahalaan, academe, at iba pang stakeholders sa paghubog ng mas ligtas at supportive na environment para sa kabataan. Nagpahayag din ng kahandaang makipagtulungan ang University of Southern Mindanao (USM) Main Campus sa mga programang bibigyang-prayoridad ng lungsod.
Lumahok sa konsultasyon sina Atty. Relmie T. Tamson, Acting CPDC Lovella B. Arguelles, EnP , CDRRMO Psalmer Bernalte, PESO Manager Herminia C. Infanta, LYDO Jensen G. Romay, SK Federation Vice President Kurt Glen Satera, SK Chairperson Hanโz Vergel Pido, SK Chairperson Joana Edsal Duran, YOTM Director Kagawad Rhodnie Ochia, IP Youth representative Gil Roean Angelo L. Batongmalaki, SK Federation President's Secretary Jamaica Nakano, SK Kagawad Jenny Lao, at CPDC Staff Jasmin Aranzado.
Ang CUCPD Core Team ng Kidapawan City ay binuo sa bisa ng Executive Order No. 049, Series of 2026, bilang local coordinating mechanism para sa pagpapatupad ng programa sa lungsod, sa pamumuno ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista bilang Chairperson.
Sa pamamagitan ng CUCPD, patuloy na isinusulong ng Kidapawan City ang isang pamayanang mas ligtas, mapayapa, inklusibo, at youth-friendlyโkung saan ang kabataan ay hindi lamang benepisyaryo ng programa, kundi katuwang sa pagbuo ng solusyon at kapayapaan.
Kabataan, katuwang sa kapayapaan. Kabataan, bahagi ng pagbabago.