02/09/2026
YAMAN NG KIDAPAWAN BOOTH SA KALIVUNGAN, BAGAMAN AT PAYAK NAGING SENTRO NAMAN NG TAGPUAN NG MGA COTABATEÑOS
Kidapawan City- UMANI ng ibat-ibang reaksiyon mula sa mga naki-Kalivungan Festival ang booth ng Yaman ng Kidapawan, hindi dahil sa maganda at magara nitong disenyo, ngunit sa pagiging payak at simple nito.
Bukambibig sa mga bisita ang katagang “Kidapawan ta bay” habang nakaturo sa booth ng Kidapawan na mayroong libreng prutas at ice cream.
Nito lang ginanap na Indigenous Peoples o IP Day, sa Culmination Day ng Kalivungan Festival, isang grupo ng mga kabataang katutubo ang dumalaw sa Kidapawan booth.
Mismong si City Agriculturist Marisa Aton ang nakarinig ng bulungan ng mga kabataang katutubo ng mga katagang “simple ang booth sa Kidapawan, pero nindot kay libre ang prutas ug ice cream,”.
Hindi nga halos maipaliwanag ni Aton ang nararamdaman at pinili na lamang nitong magbigay ng matamis na ngiti sa mga bata, habang marubdob na ninanamnam ang tamis ng ice cream at ang sarap ng mga prutas.
Ilang mga netizens nga ang nag post din sa social media at humanga din sa pagiging payak ng Yaman ng Kidapawan.
Si Reymark Tizon, ang unang nakapansin at nag post ng komento sa social media. Aniya nakaka proud ang Kidapawan dahil hindi ito nagnanais na manalo sa pagandahan ng booth.
Dagdag niya, siguro ang pondo para sa pagpapaganda ng Yaman ng Kidapawan booth ay ibinili ng prutas para ipakain ng libre sa mga bisita.
Narito ang kanyang post sa social media:
Maka proud ang Kidapawan uy!
Wa nag apas na mudaug sa pagwapuhay ug booth, kay seguro ang budget na ipalit ug materials sa pagpa gwapo. Gipalit nalang ug mga prutas ug uban pa para ipakaon sa mga tao, kung tan awon nimo ilang booth, maka ingon gud kag walay budget, kay tan awa naka tent ra! Pero always gina pilahan. grabig mind set uy…
Note: this is my opinion only, I don’t know the real reason.
Ang mga papuring ito at ang positibong reaksiyon mula sa mga bisita ang mas lalo pang nagpapalakas sa mga Lingkod Bayan ng LGU Kidapawan.
Na sa kabila ng matinding init ng panahon, nananatili silang naglilingkod sa mga bumibisita sa Yaman ng Kidapawan, kapalit ng mga papuri at matatamis na mga ngiti ng mga mamamayan ng Cotabato. # #(Williamor Magbanua| City Information Office)
See