16/09/2025
Alam mo na ba kung saang district ka boboto ngayong Bangsamoro Parliament Election?
Madali lang po! Kapag ikaw ay galing sa Tamontaka Bridge papasok ng Cotabato City, ang nasa kaliwa ng Sinsuat Avenue ay District 2. Dito po tayo kumakandidato. Ang nasa kanan naman ay District 1.
Ano ang mga pangangailangan ng District 2, na tutugunan natin kapag tayo ang nanalong Parliament Representative?
1. Kabuhayan - Nagawa na po natin ito sa loob ng limang buwan simula nang makaupo tayo sa Parliament. Mayroong 197 na MSME owners at cooperatives ang nabigyan natin ng pagkakataong magkaroon ng puhunan pangnegosyo. Ipagpapatuloy natin ito dahil isa itong sangkap ng paglago ng ekonomiya sa ating lungsod.
2. Imprastruktura - Maraming kulang na imprastruktura sa ating lungsod na matutugunan ng paggawa ng batas sa Parliament. Mga imprastruktura na magpapaginhawa sa pang-araw-araw na buhay ng mga Cotabateños kabilang na ang paglutas sa problemang regular na pagbaha, kulang na pasilidad para sa edukasyon at kalusugan ng mga tagalungsod, kulang na pampublikong espasyo para sa mga recreational activities, kulang na pagresponde sa mga emergency at kalamidad, at iba pang mga pasilidad.
3. Permanente at may benepisyong trabaho para sa mga empleyado ng barangay - maraming trabahante sa mga barangay ang umaasa lamang sa allowance kahit na opisyal na mandato ng barangay ang kanilang trabaho kagaya ng VAWC desk, barangay daycare center, sanitation, security, barangay health center, at iba pa. Kailangan nila ng permanenting sweldo at benepisyo para may regular na mangangasiwa sa kapakanan ng mga mamamayan.
At iba pang mga makabuluhang batas para sa ating lahat dito sa lungsod ng Cotabato. Ilan lamang ito sa mga pinakamabilis nating magagawa kapag naibalik sa Parliamento. Mas marami at mas magaganda ang mga batas na naiisip natin para sa pagpapaunlad ng lungsod. Magtulungan po tayo sa pag-angat ng bawat isa.
⚫️ 5. SINARIMBO, Atty. Naguib
Cotabato City 2nd Parliamentary District