07/09/2026
Sa pagsisikap ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza na mapangalagaan ang kabuuang pag-unlad ng mga kabataan sa lalawigan, isinagawa ng PGO–Population, Gender and Development Division ang oryentasyon hinggil sa Adolescent Health and Development (AHD) at Adolescent Reproductive Health (ARH) ngayong Setyembre 7, 2026, sa mga Grade 6 Pupils ng Capayuran Elementary School (Pigcawayan), Kalaisan Elementary School (Kidapawan City), at Datu Montawal Elementary School (Kabacan).
Dito, natutunan ng mga mag-aaral ang mga pisikal at emosyonal na pagbabago sa kanilang pagdadalaga at pagbibinata, gayundin ang tamang pag-uugali at kakayahang gumawa ng desisyon upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at iba pang suliranin.//PGO-Sopresencia Photoby:PopGAD//