21/05/2026
with Governor Emmylou Lala and Mayor Jay Gonzaga๐๐ซถ
Matagumpay na nagtapos ang tatlong araw na Summer Kids Peace Camp (SKPC) 2026 na isinagawa sa mga bayan ng Pres. Roxas at Magpet. Sa ginawang closing program ngayong Mayo 21, 2026, nagpaabot ng pasasalamat sina Aaliyah Law-a ng PRCES at Precious Bielle Ventura ng Binay ES, Magpet, na kabilang sa mahigit 2,200 campers, para sa mga bagong kaalaman, hindi malilimutang karanasan, at matibay na ugnayang nabuo sa loob ng camp. Anila, naging daan ang SKPC upang higit nilang maunawaan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao, pagtutulungan, disiplina, at pagiging responsableng kabataan sa makabagong panahon.
Dumalo at sumuporta rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DepEd Cotabato Division, district supervisors, principals-in-charge, Sangguniang Kabataan officials, mga kinatawan mula sa dalawang LGUs, partner agencies, at mga kawani mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) na nagsilbing tagapangasiwa ng aktibidad katuwang ang PGOโProvincial Youth Development Division.
Sa pagdalo ni Gov. Emmylou "Lala" J. Taliรฑo-Mendoza sa aktibidad, binigyang diin nito ang kahalagahan ng mga aral na kanilang natutunan upang maging mabuting halimbawa, responsableng mamamayan, at peace advocates sa kanilang mga paaralan at komunidad. Ayon pa rito, โ๐โ๐บ ๐ต๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ฒ๐ ๐ณ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ผ ๐ณ๐ฟ๐ผ๐บ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐,โ bilang pagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng bagong samahan. Pinasalamatan din ng gobernador ang mga miyembro ng AFP, PNP, at BFP sa kanilang naging mahalagang papel sa pagpapanatili ng seguridad ng mga campers, pack chiefs, facilitators, at volunteers sa buong isinagawang aktibidad. Nakiisa rin sa closing program sina Vice Governor Rochella Marie โEllaโ Taliรฑo Taray, Magpet Mayor Jay Laurence Gonzaga, at Pres. Roxas Vice Mayor Jonathan Mahimpit.//idcd-pgo-bellosillo/ Photoby: WMSamillano/JPFlores/HGBellosillo//