28/03/2026
[Trigger Warning: Mentions of Self-Harm and Su***de]
LIVE! KALAMBAG! Youth Voices: Usapang Mental Health ng Kabataan
📅 March 28, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
Sa panahon ngayon, mas napag-uusapan na ang mental health ng kabataan. Natural lang sa buhay ang makaramdam ng mabibigat na emosyon, at may mga pagkakataon na mas nagiging mahirap ito kaysa sa inaasahan.
Isa sa mga sensitibong usapin na kaugnay nito ay ang self-harm. Mahalaga na pag-usapan ito nang may pag-unawa at malasakit. Hindi para husgahan, kundi para mas maintindihan kung paano tayo makakatulong sa isa’t isa.
Sa episode na ito, pag-uusapan ng KALAMBAG youth ang mga pinagdadaanan ng kabataan, kung bakit minsan ay mahirap humingi ng tulong, at kung paano makakasuporta ang mga kaibigan, pamilya, at paaralan.
Layunin ng usapang ito na hikayatin ang lahat na maging mas bukas sa mental health, mas matutong makinig sa isa’t isa, at ipaalala na hindi sila nag-iisa.
📍 Kalambag's Official page
📺 E-Net Philippines
📡 LAPIS SeeSaw Channel
🎥 Replays Available on YouTube: