28/02/2026
๐๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐๐ซ๐จ๐ฉ๐ก๐จ๐ง๐: ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ช๐ฎ๐, ๐๐ข๐ง๐๐ง๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ
Nagbigay ng makabuluhang inspirasyon at praktikal na kaalaman sa mga kabataan ang Local Youth Development Officer ng Lungsod na si Jensen G. Romay, Youth Development Officer I, sa isinagawang Seminar on Effective Communication Skills for SK Officials noong Pebrero 21, 2026 sa Barangay San Roque, Kidapawan City.
Nilahukan ang aktibidad ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga kasapi ng Katipunan ng Kabataan, sa pangunguna ng kanilang SK Chairperson na si Ronnel T. Layma.
Sa temang โSpeak with Purpose, Listen with Impact: Effective Communication Skills for SK Officials,โ binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng isang malinaw, totoo, at may impact na komunikasyon, gayundin ang aktibong pakikinig bilang mahalagang kasangkapan ng isang epektibong youth leader at lingkod-bayan.
Bukod sa lecture, nagkaroon din ng maikling practicum kung saan aktuwal na naipamalas ng mga kalahok kung paano maiaangkop ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa kanilang mga nasasakupan, kapwa youth leaders, at maging sa mga stakeholders para sa mas maayos na pagpapatupad ng kanilang mga programa sa komunidad.
Binigyang-diin ng LYDO na hindi layunin ng seminar na gawing โone-day expertโ ang mga kabataan, kundi bigyan sila ng matibay na batayan at kamalayan sa mahahalagang konsiderasyon sa pakikipagkomunikasyon bilang mga kabataang lider sa barangay.
Ang naturang gawain ay inorganisa ng mga Social Work student interns mula sa North Valley College Foundation, Inc. bilang bahagi ng kanilang Field Work Course. Pinili ang paksa batay sa isinagawa nilang assessment sa pangangailangan ng kabataan sa barangayโpatunay na ang mga programang pangkabataan ay mas nagiging makabuluhan kapag nag-uugat sa tunay na sitwasyon at boses ng kabataan.
Patuloy na naninindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Kidapawan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at ng LYDO Kidapawan sa pagsusulong ng mga inisyatibong humuhubog sa mga kabataang may kumpiyansa, pananagutan, at kakayahang mangunaโsapagkat ang epektibong komunikasyon ay susi sa mas inklusibo at mas maunlad na pamayanan.
Dahil sa hangarin para sa isang tunay na Positive Youth Development, our youth are not just surviving โ we are thriving!
๐ธSK San Roque