Pantawid Pamilyang Pilipino Program -MOO-Kibungan

Pantawid Pamilyang Pilipino Program -MOO-Kibungan The official FB page of 4P's -MOO-Kibungan ginawa po ito para sa mga grantee's, beneficiaries, at mga residente ng mga taga-Kibungan, Benguet.

Magsisilbi po itong tanggapan ng katanungan na nauugnay tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at iba pa Pantawid Pamilyang Pilipino Program is a poverty reduction and social development strategy of the national government that provides conditional cash grants to extremely poor households to improve their health, nutrition and education particularly of children aged 0-14. It is being imple

mented by the Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) in partnership with Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Landbank of the Philippines (LBP), National Nutrition Council (NNC), local government, congressional district, volunteers and NGOs.

15/02/2026

Mga ka-4Ps, alas-12 na! Tsaa Time na! ☕🍽️

Makiisa sa ating 4Ps Tsaa-nghalian: Usapang Pantawid Online!

Ngayong buwan ng mga puso, atin laging ipakita ang pagmamahalan sa ating pamilya kaya para sa ating tanong ngayong araw:

"Bilang benepisyaryo ng 4Ps, paano nakatutulong ang programa sa pagpapatibay ng samahan, respeto, at pagmamahal sa loob ng pamilya?"

💬 I-comment ang inyong sagot
👍 I-like ang mga resolusyong kapareho ng sa inyo
🔄 I-share para mas marami pang makasali

Sumali at baka ikaw na ang aming ma-feature na sagot o komento sa susunod na linggo at may tsansa ka pang manalo ng exciting prizes!

Kaya i-ready na ang inyong tasa at tsaa at samahan kami sa isang makabuluhang usapan na puno ng kaalaman, inspirasyon, at saya!

15/02/2026
15/02/2026
15/02/2026
15/02/2026
15/02/2026
15/02/2026
18/12/2025

Mga ka-4Ps, may mahalagang gagampanan kayo sa kinabukasan ng inyong mga anak na kasalukuyang nasa Senior High School (SHS)!

Ang 4Ps National Program Management Office ay magsasagawa ng 4Ps SHS CareerPathWATCH, isang aktibidad na naglalayong ipunin ang preferred career pathways ng 4Ps Senior High School Students. Ang inisyatibang ito ay katumbas ng Family Development Session (FDS) compliance para sa Monitoring Period 6A (Disyembre 2025).

Sa 4Ps SHS CareerPathWATCH, sabay na tatalakayin ng magulang at ng Grade 12 na anak ang mga posibleng landas pagkatapos ng Senior High School—kolehiyo, technical-vocational training, pagnenegosyo, o trabaho.

📌 Ang pagdalo ay katumbas ng FDS compliance para sa Disyembre 2025
📌 Layong tulungan ang mga magulang na magabayan ang anak sa tamang career choice
📌 Ang impormasyong makokolekta ay gagamitin upang maiugnay ang mga anak sa mga oportunidad mula sa TESDA, CHED, at DOLE

Sa wastong paggabay ng magulang, mas magiging handa ang ating mga anak para sa mas maayos na kinabukasan.

Kaya’t ano pang hinihintay ninyo mga ka-4Ps, makipag-ugnayan na sa inyong mga City/Municipal Links para sa mga detalye ukol dito!

❤️

28/11/2025

Bawat boses ay may katumbas ng halaga. Iyan ang paniniwala at paninindigang bitbit ni Clarenz Jhared A. Franche, ang 2025 4Ps Exemplary Child Regional winner ng Region V mula sa Bato, Catanduanes matapos dumalo sa 4Ps National Children's Congress 2025.

Para sa kanya, kahit maliit, ang tinig ng kabataan ay may halaga at maaaring makapagbigay ng malaking impact para sa nakakarami.

Samahan natin si Clarenz na ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya!

'sCongress

28/11/2025
28/11/2025
28/11/2025

Sa nakaraang 4Ps National Children's Congress 2025 sa Sequioa Hotel, Quezon City, isa sa nagpahayag ng kanyang makabuluhang adbokasiya si Zian Zyril A. Martorillas, 4Ps Provincial Winner ng Davao City. Ayon sa kanya, buong tapang niyang gagamitin ang kanyang boses upang mas palakasin at patuloy na ipaglaban ang karapatan ng bawat kabataan.

Sa murang edad, nais niyang itaguyod ang de-kalidad at abot-kayang edukasyon na magbubukas ng daan para sa kanilang pangarap. Sa pamamagitan ng kanyang adbokasiya, mas malalawak at magiging maliwanag ang kinabukasang hinahangad ng bawat kabataang 4Ps, dala-dala ang yaman ng edukasyon na magsisilbing susi sa tagumpay.

'sCongress

Address

2nd Floor Of Old Market/Poblacion, Kibungan, Benguet
Kibuñgan
2611

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pantawid Pamilyang Pilipino Program -MOO-Kibungan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share