14/03/2026
Matagumpay at masayang naisakatuparan ang 2nd IYAMAN CONGRESS at Family Day na may temang "A celebration of love,gratitude,unity and blessings",kahapon,Marso 13,2026 sa Madaymen NHS ground.
Pinangunahan ni Ptra.Melba L.Pangcas nang isang thanksgiving service na dinaluhan ng mga mag-aaral,magulang,school personnel,Barangay at Municipal Local Government Unit,partners,stakeholders,alumni, donors at Religious Instruction Volunteers.
Nakibahagi at dumalo ang butihing vice mayor ng bayan ng Kibungan,Hon.Laurence D.Toking na nagbigay ng mensahe at impormasyon sa mga programa lalo na sa Ahensiya ng Edukasyon.Nagpakitang gilas din ang mga kawani ng MLGU,sa pagbibigay ng kani kanilang intermisyon.
Ipinahayag ni G.Evander B.Hidalgo,guro sa Matematika ang mga iba' t iBang programa at aktibidad ng DepEd na sinalihan Ng mga mag- aaral sa curricular at extra curricular na nagbigay pugay at karangalan sa paaralan sa taong ito.Hindi rin pahuhuli ang mga kaguruan na mahasa Ang kanilang kagalingan kung kaya't may 8 na promote,tatlong nakatapos ng Teachers Induction Program (TIP) at 12 na nakatanggap ng pagkilala sa District at Division level Ng Gawad Cordillera.
Ginawaran nang pagkilala at pagpupugay ang mga iba't ibang stakeholders,partners,donors ,volunteers sa institusyon na ito upang maisakatuparan ang mga Iba't ibang PPAs ( Program,Project,Activities).
Nagbahagi at nagpakitang gilas din ang mga mag aaral,magulang sa kanilang Learners Battle of the Band at Family Got Talent sa paggunita ng Family Day. Masayang nakibahagi rin sila sa iba't ibang laro.Naghandog din ang mga mag aaral nang isang awit sa kanilang magulang bilang pasasalamat.
Pinasalamatan ni Gng.Cynthia V.Calavera,Ulong G**o ng MNHS ang lahat ng dumalo,nakibahagi at naglaan ng Oras para sa aktibidad na ito.
📸 MJ Dolagan
✍️ J.Oposculo