02/06/2026
Mabuhay CIA-FRIMP at mga may puso at malasakit na barangay ng Kawit 🫡🫰
Buo ang ating suporta sa Training for Timeline Study and Flood Mapping ng ating mga barangay council sa pagtutulungan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project.
Ngayong panahon nanaman ng tag-ulan ay binalikan ng ating mga barangay ang kanilang tugon at paghahanda rito pati na ang pag-update sa flood mapping ng bawat lugar.
Makakatiyak kayo na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating pamahalaang bayan sa mga ahensya gaya ng CIA-FRIMP upang mas maprotektahan ang ating mga kapwa Kawiteño mula sa sakuna.