LTO Cavite District Office

LTO Cavite District Office LTO Kawit District Office

Motor Vehicle Registration & Law Enforcement and Traffic Adjudication System

07/09/2026
07/09/2026
31/08/2026

ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π‡π„π‘πŽπ„π’ πƒπ€π˜

Ang Land Transportation Office (LTO) ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 31 bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga magigiting na Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at paglilingkod para sa bayan.

Kaugnay nito, sarado ang lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa ngayong araw, Agosto 31, 2026 bilang pagtalima sa naturang pambansang paggunita.

Magbabalik ang regular na operasyon ng lahat ng tanggapan ng LTO sa Setyembre 1, 2026.

Para sa iba pang anunsyo at mahahalagang impormasyon, manatiling nakasubaybay sa opisyal na social media accounts ng LTO.

Maraming salamat at Maligayang Araw ng mga Bayani! πŸ‡΅πŸ‡­

21/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na sarado ang lahat ng tanggapan ng ahensya ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes) bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, isang Special Non-Working Holiday sa buong Pilipinas, alinsunod sa Republic Act No. 9256.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga transaksyon sa nasabing araw at isagawa ang mga ito sa muling pagbabalik ng regular na operasyon ng ahensya.

Para sa mga opisyal na anunsyo at iba pang impormasyon, mangyaring sumubaybay sa page na ito ng LTO.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

18/08/2026

⚠️ PUBLIC ADVISORY ⚠️

​Please be informed that the LTO Cavite District Office will suspend its regular onsite operations and will be CLOSED tomorrow, August 19, 2026.

​This closure is in strict compliance with Memorandum Circular No. 129 issued by the Office of the President. The circular directs government offices in Cavite and other affected provinces to implement alternative work arrangements due to the continuous heavy rainfall and flooding threats brought by the Southwest Monsoon (Habagat).

πŸ“Œ For inquiries and concerns:

All queries will be accommodated through our official page. You may send us a message or leave a comment on this post.

πŸ“Œ You may also reach us via email: [email protected]

​Stay safe and alert during this weather disturbance, CaviteΓ±os! πŸŒ§οΈπŸš™

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY: LUMIPAT NA PO KAMI! πŸ“’Heads up, mga CaviteΓ±o! Para mas mapaglingkuran kayo nang maayos at mabilis, off...
17/08/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY: LUMIPAT NA PO KAMI! πŸ“’

Heads up, mga CaviteΓ±o! Para mas mapaglingkuran kayo nang maayos at mabilis, officially relocated na ang LTO Cavite District Office.

Para sa inyong mga motor vehicle registration transactions, maaari niyo na kaming puntahan sa aming bagong address:

πŸ“ NEW ADDRESS:
Along EPZA Diversion Road, Brgy. Magdalo, Kawit, Cavite
(Landmark: Malapit sa Cyrene PMVIC)

See you sa aming bagong opisina! Please be guided accordingly at paki-share na rin ang post na ito para ma-inform ang iba nating mga kakilala at iwas-abala sa pagpunta.

Drive safely always! πŸš—πŸοΈ

17/08/2026

⚠️ PUBLIC ADVISORY ⚠️

​Please be informed that the LTO Cavite District Office will suspend its regular onsite operations and will be CLOSED tomorrow, August 18, 2026.

​This closure is in strict compliance with Memorandum Circular No. 128 issued by the Office of the President. The circular directs government offices in Cavite and other affected provinces to implement alternative work arrangements due to the continuous heavy rainfall and flooding threats brought by the Southwest Monsoon (Habagat).

πŸ“Œ For inquiries and concerns:

All queries will be accommodated through our official page. You may send us a message or leave a comment on this post.

πŸ“Œ You may also reach us via email: [email protected]

​Stay safe and alert during this weather disturbance, CaviteΓ±os! πŸŒ§οΈπŸš™

13/08/2026

π‹π“πŽ π‚π€π‹π€ππ€π‘π™πŽπ πŒπ”π‹πˆππ† 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 πŒπ†π€ 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐀 πŠπ€π–π€ππˆ 𝐍𝐆 π€π‡π„ππ’π˜π€

Calabarzon β€” Muling nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) Calabarzon laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na kawani ng ahensya at nag-aalok ng mga transaksyon o serbisyo kapalit ng bayad.

Ayon sa LTO Calabarzon, ginagamit ng ilang indibidwal ang pangalan at pagkakakilanlan ng ahensya upang makuha ang tiwala ng publiko at mag-alok ng umano’y pagpapabilis o pag-aasikaso ng mga transaksyon. Pinaaalalahanan ang publiko na ang pakikipagtransaksyon sa mga hindi awtorisadong indibidwal ay maaaring magresulta sa panloloko, pagkawala ng pera, o problema sa kanilang mga dokumento.

Binigyang-diin ni RD Decena na ang mga opisyal na transaksyon ay dapat lamang isagawa sa mga itinakdang proseso at sa pamamagitan ng mga awtorisadong kawani ng LTO.

Pinapayuhan ang sinumang nakaranas o may impormasyon tungkol sa mga nagpapanggap na kawani ng LTO o nag-aalok ng hindi awtorisadong serbisyo na agad itong iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o sa opisyal na communication channels ng ahensya.



10/08/2026

π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜!

Pursuant to Memorandum Circular No. 123 issued by the Office of the President, LTO offices in the following provinces will implement a work-from-home arrangement on August 10, 2026, due to the continued heavy rainfall brought by the Southwest Monsoon (Habagat).

The public is advised to monitor LTO official channels for further announcements.


05/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang LTO Central Office at mga tanggapan nito sa NCR, gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro, ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga planong transaksyon at hintayin ang susunod na abiso hinggil sa pagpapatuloy ng regular na operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng LTO para sa iba pang mga update at manatiling ligtas sa gitna ng patuloy na masamang panahon.

Address

EPZA Diversion Road, Magdalo (Putol)
Kawit
4104

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Cavite District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share