05/01/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐- ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐
Bilang pagsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Acting Transportation Secretary Giovanni Z. Lopez, na may layuning pagaanin ang buhay ng mga rider na gumagamit ng kanilang motorsiklo sa paghahanapbuhay, tinanggal na ng Land Transportation Office (LTO) ang bayad sa registration ng mga custom-made top box at saddle bag na nakakabit sa mga motorcycle.
Kaugnay nito, nilagdaan ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang isang memorandum na nagsasaad na wala nang kokolektahing P100 na registration fee sa bawat top box o saddle bag, na ikinakabit sa mga motorsiklo.
Ayon kay Asec. Lacanilao, "Ito ay malaking tulong sa mga rider na umaasa sa kanilang motorsiklo sa kanilang paghahanapbuhay para maalis na ang dagdag na gastusin."
Sinabi ni Asec. Lacanilao, na "ang patakarang ito ay nakaayon sa 7-Point Policy Agenda ng LTO na nakatutok sa pag-alis ng mga hindi kinakailangang bayarin at pagpapagaan ng pasanin sa pananalapi ng mga mamamayang umaasa sa motorsiklo, na nagbibigay ng ginhawa sa badyet habang pinapanatili pa rin ang mga pamantayan para sa kaligtasan sa kalsada".
"Bagamaโt wala ng bayad, ang pagpaparehistro sa LTO ay mananatili pa rin para sa lahat ng custom-made na top box at saddle bag. Binibigyang-diin ng ahensya na ito ay mahalaga para sa kanilang tungkulin na suriin ang kakayahang tumakbo ng makina, kaligtasan, at kung angkop ang mga sasakyan na may mga karagdagang kagamitan, upang tiyakin na ito ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ng LTOโ, idinagdag pa ni Asec Lacanilao.
โAng balanseng pamamaraan na itoโpagpapagaan ng pasanin sa pananalapi at pagpapanatili ng regulasyonโay naglalayong protektahan ang mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada habang sinusuportahan pa rin ang mga pangangailangan ng mga may-ari ng motorsiklo", saad pa ng LTO Chief.
Kapalit ng opisyal na resibo bilang patunay ng pag rerehistro, ang LTO ay magbibigay ng sertipikasyon na nasa pamamaraan na itinakda ng Central Office bilang patunay ng pagpaparehistro ng mga custom-made na kagamitan. Lahat ng naunang mga kautusan, memorandun, tuntunin, at regulasyon na hindi naaayon sa direktibang ito ay papalitan, babaguhin, o ipagbabawal na alinsunod dito.
Hinihikayat ni Asec Lacanilao ang lahat ng mga kaugnay na stakeholder, kabilang ang mga direktor ng rehiyon, mga opisyal ng pagpapatupad ng batas, at mga pinuno ng inspection center, na ganap na ipatupad ang patakaran at tulungan ang mga may-ari ng motorsiklo na makumpleto ang mga proseso ng pagpaparehistro nang walang pagkaantala.