25/08/2026
Patuloy sa pagtuklas lalo at higit ngayong Agosto bilang Pambansang Buwan ng Kasaysayan sa bisa ng Proklamasyon Bilang 339.
Bilang pakikibahagi, ang Museo ni Baldomero Aguinaldo ay magsasagawa ng isang panayam na may titulong, โALIAS: A Tool for Revolutionary Warfare.โ Ito ay pang-apat na serye sa proyektong Plotting History Year 2 ng NHCP Museums Southern Luzon Cluster.
Ang panayam na ito ay may layunin na suriin ang paggamit ng alyas upang ikubli ang pagkakakilanlan ng mga Pilipinong namuno sa himagsikan hanggang sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Ito ay nagbigay ng higit na pag-unawa sa kaniya-kaniyang tiyak na katangian upang magdulot ng hiwaga, pananakot, o paghanga. Tatalakayin kung bakit nga ba, mahalaga ang mga alyas sa pakikidigma, lalo na sa panahong puno ng kaguluhan at malalaking pagbabago.
Pangugunahan ni G. Angelo J. Aguinaldo bilang tagapagsalita, isang propesyonal na manggagawa at mananaliksik sa larangan ng pamana, panturismo, tagapagsulat ng mga artikulo tungkol sa kulturang Pilipino sa mga pambansang pahayagan at magasin. Nagturo sa mga asignaturang panitikan, pagsulat ng sanaysay at teknikal na pagsulat. Sa kasalukuyan ay aktibo at independiyenteng tagapangasiwa ng mga proyektong pangkultura at tagaplano ng ibaโt-ibang organisasyon ng lungsod. Hinirang na Pangulo ng Kawit Historical Society at Trustee ng Cavite Historical Society.
Halina at kami ay samahan, bukas sa ganap na ika 1:30 ng hapon, sa Dambanang Baldomero Aguinaldo, Binakayan, Kawit, Cavite.