14/05/2025
Statement from Team BBA - ABAYAnihan:
Ang buong Team BBA - ABAYAnihan ay nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta, tumulong sa kampanya, at naniwala sa ating mga adhikain. Bagaman tapos na ang halalan, ang Team BBA -ABAYAnihan ay patuloy na maninindigan laban sa korapsyon at magsusulong sa tapat na pamamalakad.
Kayong mga mamamayan ang aming inspirasyon at ang aming lakas. Mananatili kaming palaging para sa inyo.
Sa mga taga Kawit, Noveleta, Rosario, at Cavite City - maraming salamat po!