18/05/2026
Nalalapit na muli ang pagbubukas taong panuruan 2026-2027. Panahon na naman ng bayanihan para sa ating minamahal na paaralan, ang . Kaya naman narito ang ilan sa mga maaari nating maitulong at maibahagi sa ating paaralan, sa bawat silid, sa mga , at sa **ongBDES at kawani nito.
Inaanyayahan po namin kayong lahat na makiisa sa gawaing ito ng ating paaralan. Ang bayanihang ating ipinapamalas, hindi lamang sa ganitong mga pagkakataon, ay nagpapakita sa ating komunidad na tayo'y nagkakaisa gayon din sa patuloy na pag-angat ng antas kalidad ng ating edukasyon.
Sa mga nagnanais na magbigay at magbahagi para sa ating paaralan, makipag-ugnayan lamang sa ating paaralan o kaya naman ay makipag-ugnayan sa sino mang **ongBDES gayon din sa mga iba pang tulong na maaaring ibahagi sa ating paaralan.
Tanging ang DepEd Tayo Batong Dalig ES - Kawit, Cavite Province ang opisyal na page ng Paaralang Elementarya ng Batong Dalig. Makipag-ugnayan lamang sa mga g**o at kawani ng paaralan para sa maayos na komunikasyon.
Hinihikayat din po namin i-share ang mga post ng ating paaralan.
MARAMING SALAMAT PO!
SH: Joy Jimenez Garcia
PSDS: Dr. Joel O. Peregrino
DepEd Tayo Kawit District
Batong Dalig Kawit Cavite