Health Education Unit - RHU Kalilangan, Bukidnon

Health Education Unit - RHU Kalilangan, Bukidnon This is the official Facebook account of the Municipal Health Office - Rural Health Unit of Kalilangan Bukidnon.

Forever feeling pagod? Nanghihina at feeling stressed? Kakayanin natin ang lahat kasama ang Lusog-Isip App, tutulungan k...
21/04/2022

Forever feeling pagod? Nanghihina at feeling stressed?
Kakayanin natin ang lahat kasama ang Lusog-Isip App, tutulungan ka namin sa pinagdadaanan mo.

Download Lusog Isip on Google Play and App Store.

👉 App Store: https://bit.ly/LusogIsip_AppStore

👉 Playstore: https://bit.ly/LusogIsip_GooglePlay

Care for yourself and Care for others para sa Healthy Pilipinas 💚



Ang  ! May mga kalamidad na bigla na lang tatama sa ating lugar kagaya ng nangyaring pagsabog ng Taal nitong umaga lang....
27/03/2022

Ang !

May mga kalamidad na bigla na lang tatama sa ating lugar kagaya ng nangyaring pagsabog ng Taal nitong umaga lang.

Maliban sa mga paalala at abiso ng otoridad, mainam din na ihanda ang ating sarili at ating pamilya sa mga hindi inaasahang sakuna.

Narito ang mga puedeng ilagay sa inyong Go Bag o ang E-balde bilang paghahanda sa ano mang kalamidad.

Maging maagap para sa !

 &VIOLENCE
18/03/2022

&VIOLENCE

Libre na, protektado ka pa! 💪Sa mas pinagaan na protocol ngayong new normal, pag-ResBakuna ang aksyong praktikal! 👍Magpa...
07/03/2022

Libre na, protektado ka pa! 💪

Sa mas pinagaan na protocol ngayong new normal, pag-ResBakuna ang aksyong praktikal! 👍

Magpabakuna na ngayong Bayanihan Bakunahan simula March 10-12, 2022 para sa ligtas na New Normal! 🤲



V**e is harmful, not pa-cool!Iwasan o ihinto ang paggamit ng v**e,Wala itong magandang maidudulot sa iyo.  Kabataan ang ...
03/03/2022

V**e is harmful, not pa-cool!
Iwasan o ihinto ang paggamit ng v**e,
Wala itong magandang maidudulot sa iyo.

Kabataan ang pangunahing target market ng v**e, sa katunayan ayon sa National To***co Youth Survey, humigit-kumulang 20% ​​ng mga high school students ay gumagamit ng v**e.

Nakakabahala ang datos na ang mga kabataan na gumagamit ng v**e na hindi naninigarilyo ay mas malamang na magsimulang manigarilyo kaysa sa kanilang mga kaedad na hindi gumagamit ng v**e.

Handa tumulong ang DOH Quitline, tumawag sa numbers: 1558 (Toll-free Nationwide) para sa karagdagang impormasyon.

!

Sa kabila ng ating laban kontra COVID-19, marami na sa ating kapwa Pilipino ang nagpabakuna para makamit ang dalang prot...
02/03/2022

Sa kabila ng ating laban kontra COVID-19, marami na sa ating kapwa Pilipino ang nagpabakuna para makamit ang dalang proteksyon at bisa nito sa ating kalusugan, at upang patuloy na maitaguyod ang kanilang mga mahal sa buhay.

Bagamat patuloy na ang pagbaba ng ka*o ng COVID-19 sa bansa, ipinamalas pa rin ng mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng booster shot, tungo sa muling pagtupad ng mga planong minsan nang naantala.

Lubos ang naging hamon ng pandemya sa atin, kaya halina’t maging kaisa sa pagpapalaganap ng programang pagbabakuna, upang tuluyan nang lampasan ang kabanatang ito at muli nang maranasan ang buhay na matagal na nating inaasam.

Nawa'y patuloy lang tayo sa pagsulong, sa kabila ng ating mga pagsubok.



Ano nga ba ang benepisyong hatid ng bakuna sa mga taong mahina ang immune system na sanhi ng comorbidities? Narito ang p...
02/03/2022

Ano nga ba ang benepisyong hatid ng bakuna sa mga taong mahina ang immune system na sanhi ng comorbidities?

Narito ang pahayag ng isa sa ating mga eksperto ukol sa kagandahang dulot ng pagbabakuna ng primary series at booster dose kontra COVID-19.

Patuloy pa ring hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan ang bawat Pilipino na magpabakuna upang tuluyan nang matagumpayan ang pandemya.



March is Rabies Awareness Month Ngayong taon ipagdiwang natin ang Rabies Awareness Month na may temang “Rabies-free na p...
02/03/2022

March is Rabies Awareness Month

Ngayong taon ipagdiwang natin ang Rabies Awareness Month na may temang “Rabies-free na pusa't a*o, kaligtasan ng pamilyang Pilipino," naglalayong protektahan at itaguyod ang karapatan natin sa kalusugan.

sa ating mga Primary Care Providers tungkol dito, para sa isang

Wala kayo sa lola ko! 👵 Hindi lang isa o dalawa, kundi pangatlong beses nang nabakunahan kontra COVID-19 ang 96 taong gu...
15/02/2022

Wala kayo sa lola ko! 👵

Hindi lang isa o dalawa, kundi pangatlong beses nang nabakunahan kontra COVID-19 ang 96 taong gulang na si Lola Feliciana Carpio mula sa Sta. Mesa, Manila! 💪

Dahil tapos na ang primary series ng kanyang bakuna, hindi nagatubiling pumunta si Lola Feliciana sa vaccination site kahapon para sa kanyang booster shot. 👍

“Yung booster, para dagdag proteksyon sa COVID. Para ligtas ako at pamilya ko,” sabi ni Lola Feliciana.

Halina’t makibahagi sa mas pinalakas na Bayanihan Bakunahan ngayong February 10-18, 2022! 🤲

BIDA ang lahat sa RESBAKUNA! 🤲




Sumali na sa milyun-milyong BIDA na nagpa-RESBAKUNA! 🤲Halina't makiisa sa mas pinalakas na Bayanihan Bakunahan ngayong F...
15/02/2022

Sumali na sa milyun-milyong BIDA na nagpa-RESBAKUNA! 🤲

Halina't makiisa sa mas pinalakas na Bayanihan Bakunahan ngayong February 10-18, 2022! 👍

BIDA ang lahat sa RESBAKUNA! 💪




Address

Purok-1, West Poblacion
Kalilangan
8718

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Education Unit - RHU Kalilangan, Bukidnon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share