31/10/2023
Patuloy na ra-RAGAZA ang pangarap para sa masagana at maunlad na kabataan ng Longos!๐โ
Mula sa buong partido ng Team Ragaza: Ang PILAPIL ng mga kabataan, ang inyong lingkod na si Third Ragaza at ang aming buong partido ay taos pusong nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pag-gabay sa tagumpay naming ito. Lubos na pasasalamat din po sa aming buong pamilya, at mga kaibigan na sumama, gumabay at tumulong sa amin sa bawat pilapil at hirap na aming sinusog.
Para sa mga kabataan at mga mamamayan ng Barangay Longos, malaking pasasalamat rin po sainyong suportang ipinamalas sa tagumpay na ito; lalo't higit po sa mga miyembro at pamunuan ng Iglesia ni Cristo dahil sa tiwala at suportang inyong ipinagkaloob sa amin. Ang tagumpay pong ito ay naging posible dahil sa inyong mainit na pagtanggap at pagtataguyod saโming laban upang maisakatuparan ang maayos at magagandang hangarin para sa mga kabataan.
Napaka sarap lamang pong isipin na ang pagmamahal na ibinahagi ko sa mga kabataan ay ibinalik din nila sa akin, kaya naman ang tagumpay kong ito ay iaalay ko pa rin para sa bawat kabataan ng Barangay Longos.
Muli, Ako po si ๐๐๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ค "๐๐๐๐๐ฟ" ๐๐๐ค๐จ๐ค๐ฃ ๐๐๐๐๐ฏ๐ ๐๐๐, ang SK Chairman na magsisimula ng ๐agkakaisa at ๐nklusibong ๐iderato para sa ๐ผsenso at ๐ag-unlad ng ๐ongos.
Maraming Salamat po!