12/07/2023
Sa selebrasyon ng NUTRITION MONTH na may temang, "Healthy Diet Gawing Affordable for All” ay matagumpay na naisagawa ng Municipal Nutrition Action Office sa pangunguna ni MNAO Cecilia Flores ang programang HEALTHY BABY CONTEST para sa mga batang 6-24 buwang gulang, POSTER MAKING CONTEST para sa mga Junior High School, Senior High School at SPED, NUTRI BAON CONTEST para sa mga magulang ng ELEMENTARY SCHOOL students, Distribution of IEC Materials, at Daycare Feeding Program.
Maraming salamat po sa lahat ng mga lumahok at sa mga hurado na sina Dr. Rica Pamatmat, Mr. Junelle Añonuevo, Mr. Jho Almario Jacobe, MPA, Mr. Norman Abanto, Mr. Jeremias Chavez, Mr. Deanne Bryan Bucal, Ms. Maria Blair Egargue, Ms. Mila Robina Geronimo at DILG Aurora Robles sa kanilang ginugol na oras para sa aming programa.
Maraming salamat din po sa SOLANE sa pamamagitan ni Gng. Julie Pua sa pagsponsor sa mga ginamit na LPG at sa kanilang ibinagay na premyo sa ating NUTRI BAON CONTEST.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa dedikasyon at suporta ng mahal na Mayor Sandy Laganapan, sa bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan.
"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"
National Nutrition Council - Calabarzon