12/09/2026
Matagumpay na naisagawa ang posting ng mga bagong potential beneficiaries ng Set 14 G & H na kwalipikadong sumailalim sa validation at registration para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang listahan ng mga potential beneficiaries ay na-endorse at naipaskil sa kani-kanilang barangay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na makita at ma-verify ang kanilang pagkakasama sa listahan.
Para sa mga nakalista, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento para sa validation at registration:
π Mga Kinakailangang Dokumento:
β’ PSA Birth Certificate
β’ Marriage Contract β para sa mga kasal
β’ School Certification β para sa mga batang nag-aaral
β’ Death Certificate β para sa mga namatay na miyembro ng pamilya
β’ National ID β para sa lahat ng miyembro ng pamilya
β’ Health Certificate β para sa mga batang edad 0β5 years old
Ang posting na ito ay bahagi ng proseso upang matiyak na ang mga kwalipikadong pamilya ay mabibigyan ng tamang impormasyon at pagkakataong makumpleto ang kinakailangang validation at registration.
Patuloy ang 4Ps sa pakikipagtulungan sa mga barangay at lokal na pamahalaan upang maabot ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng suporta. π€π