08/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ | MATAGUMPAY na ginawa ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong โAAโ Slaughterhouse sa Barangay Malanduague, Kabacan, Cotabato ngayong araw.
Dumalo sa aktibidad sina Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman, National Meat Inspection Service (NMIS)-12 OIC Regional Director Dr. Grace L. Rosete, Department of Agriculture (DA)-12 Regional Executive Director Dr. John B. Pascual, NMIS Central Office Engineering Section M.I. III Architect Marianne Joy G. Limbo, Provincial Veterinarian Dr. Rosemarie Guzman, Cotabato Provincial Economic Development and Investments Promotions Officer Margian R. Warner, at iba pa.
Ayon kay Mayor Gelyn, ang โAAโ Slaughterhouse ay magiging tulay upang magkaroon ng maayos na pasilidad na may operasyong naaayon sa standard ng NMIS kayaโt makatitiyak ang mga Kabakeรฑo na magkakaroon ng malinis na karneng maihahain para sa kanilang pamilya.
Ang pasilidad rin aniya ay inaasahang magbibigay ng dagdag kabuhayan sa mga Kabakeรฑo at maaaring magsilbi bilang learning hub sa mga mag-aaral.
Ang โAAโ Slaughterhouse ay may estimated project cost na 15, 200, 000.00 pesos at 8 million pesos dito ay counterpart ng LGU Kabacan.
Ang proyekto ay ipapatupad sa ilalim ng Meat Establishment Improvement Program ng NMIS.
Ayon kay DA-12 RED Pascual, nakikita ng kanilang ahensya ang dedikasyon ng LGU Kabacan kayaโt all-out din ang kanilang suporta.
Sa kanyang Message of Support, hindi pa man natatapos ang konstruksyon ng modern slaughterhouse na ito, bukas aniya ang kanilang ahensya na maglaan ng pondo para sa extension ng building at cold storage facility.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Gelyn sa suporta ng DA-12, NMIS at maging sa PLGU Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou Taliรฑo-Mendoza upang maipatupad ang proyektong ito at sa iba pang programa para sa mamamayang Kabakeรฑo.
#๐๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ง
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐จ๐จ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐๐ญ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ
#๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐๐ญ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ