Brgy. Poblacion, Kabacan

Brgy. Poblacion, Kabacan Mga programa at aktibidad na tiyak na ikauunlad pa ng ating pamayanan

March 30, 2026 📢 FREQUENTLY ASKED QUESTIONS | WALANG GUTOM PROGRAMNarito ang ilan sa mga karaniwang katanungan ng ating ...
30/03/2026

March 30, 2026

📢 FREQUENTLY ASKED QUESTIONS | WALANG GUTOM PROGRAM

Narito ang ilan sa mga karaniwang katanungan ng ating mga kababayan tungkol sa Walang Gutom Program at ang kasagutan para sa tamang kaalaman ng lahat.

Maraming salamat po!

March 30, 2026 | ANNOUNCEMENTWHAT: Walang Gutom Program (Additional Beneficiaries)WHERE: Kabacan Municipal GymnasiumWHEN...
30/03/2026

March 30, 2026 | ANNOUNCEMENT

WHAT: Walang Gutom Program (Additional Beneficiaries)
WHERE: Kabacan Municipal Gymnasium
WHEN: March 31, 2026 | 8:00 AM

WHAT TO BRING:

PSA/Birth Certificate (Original)
Valid ID
Eco Bag

NOTE:
Please prepare your cellphone number.

Thank you!

March 23, 2026 l BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026 | 1st Semester Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly Day para sa 1st...
23/03/2026

March 23, 2026 l BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026 | 1st Semester

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly Day para sa 1st Semester ng taong 2026 ng Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato ngayong ika-23 ng Marso 2026.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng ating mga iginagalang na panauhin: Vice Mayor Hon. Herlo P. Guzman Jr.; mula sa Kabacan Municipal Police Station, PLT Froilan H Gravidez; Kabacan Fire Marshal FSRINSP Edwin Buencuchillo; Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Mr. Latip Akmad; Municipal Councilor Hon. Allan B. Dela Peña; at ang ating MLGOO Ms. Helen Grace De Justo Sayon.

Lubos ang aming pasasalamat sa kanilang presensya at patuloy na suporta sa mga programa at proyekto ng ating barangay. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan ng Barangay Poblacion na nakiisa at naging bahagi ng mahalagang gawaing ito.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa tungo sa mas maunlad, ligtas, at maayos na barangay.

March 19, 2026 | Barangay Poblacion, Kabacan, CotabatoDahil sa mga pinakahuling pangyayari sa Barangay Poblacion, nagkar...
19/03/2026

March 19, 2026 | Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato

Dahil sa mga pinakahuling pangyayari sa Barangay Poblacion, nagkaroon po ng pagpupulong ang Barangay Council na pinangunahan ni Punong Barangay Jeric B. Guzman, kasama ang Purok Federation Officers at mga Barangay Tanod ng Barangay Poblacion, upang talakayin ang mga usapin tungkol sa kapayapaan at kaayusan sa ating barangay.

Layunin ng pagpupulong na lalo pang palakasin at i-reinforce ang mga programa para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Maraming salamat sa pakikiisa ng lahat.





March 19, 2026 l Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato Pinangunahan ni Punong Barangay Jeric B. Guzman, kasama ang kanya...
19/03/2026

March 19, 2026 l Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato

Pinangunahan ni Punong Barangay Jeric B. Guzman, kasama ang kanyang Sangguniang Barangay, ang pamamahagi ng rice at cash assistance sa mga mosque sa Barangay Poblacion bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng barangay sa ating mga kapatid na Muslim at sa pagpapaigting ng pagkakaisa sa komunidad.


March 18, 2026 l BARANGAY ASSEMBLY DAY — 1st Semester CY 2026Date/Time: March 23, 2026 / 2:00 PMVenue: Miracle Extension...
18/03/2026

March 18, 2026 l BARANGAY ASSEMBLY DAY — 1st Semester CY 2026

Date/Time: March 23, 2026 / 2:00 PM
Venue: Miracle Extension Covered Court, Poblacion, Kabacan, Cotabato

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Poblacion na makibahagi, makinig, at makilahok sa ating Barangay Assembly Day upang talakayin ang mga nagawa, programa, planong proyekto, at financial status ng barangay.

Tema:
"Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran"

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!



March 13, 2026 | Poblacion, Kabacan, CotabatoMagkasunod na isinagawa ngayong araw, March 13, 2026 ang Turnover Ceremony ...
13/03/2026

March 13, 2026 | Poblacion, Kabacan, Cotabato

Magkasunod na isinagawa ngayong araw, March 13, 2026 ang Turnover Ceremony ng dalawang mahalagang proyekto sa Barangay Poblacion:

✔ Rehabilitation of Drainage Canal - Phase 1 & 2 sa USM Avenue.
✔ Rehabilitation of ECCD Center, Purok Kapayapaan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng ating mahal na mayora Hon. Evangeline P. Guzman, kasama ang Barangay Council headed by Punong Barangay Hon. Jeric B. Guzman, at mga residente ng barangay.

Ang mga proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at barangay upang mapabuti ang imprastraktura at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan ng Poblacion.

Maraming salamat sa suporta at pakikiisa ng lahat sa pagpapaunlad ng ating barangay. 💙



March 11, 2026 l PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENTFOOD REDEMPTION ACTIVITY - WALANG GUTOM PROGRAMWHEN: MARCH 16, 2026 (MONDAY)...
11/03/2026

March 11, 2026 l PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

FOOD REDEMPTION ACTIVITY - WALANG GUTOM PROGRAM

WHEN: MARCH 16, 2026 (MONDAY) - 8AM

WHERE: SARANAY COVERED COURT BRGY. POBLACION, KABACAN

WHAT TO BRING:
1. ECO BAG OR SAKO EXCEPT CELLOPHANE
2. ETB CARD/QR CODE/VALID ID

Thank You.

March 10, 2026 l Pagbibigay ng Bigas Bilang PakikiramayAng Barangay Local Government Unit – Barangay Poblacion ay nagbig...
10/03/2026

March 10, 2026 l Pagbibigay ng Bigas Bilang Pakikiramay

Ang Barangay Local Government Unit – Barangay Poblacion ay nagbigay ng tulong na bigas sa mga pamilya ng dalawang pumanaw nating kabarangay bilang munting pakikiramay at suporta sa kanilang pagdadalamhati.

Taos-puso po kaming nakikiramay sa kanilang mga naiwang pamilya.


March 10, 2026 l AnnouncementDistribution of PCIC Checks Where: Municipal GymWhen: 03/12/2026 @ 8:30amPlease bring a val...
10/03/2026

March 10, 2026 l Announcement

Distribution of PCIC Checks

Where: Municipal Gym
When: 03/12/2026 @ 8:30am

Please bring a valid ID.

Thank you!

March 8, 2026 | Barangay Poblacion Naghatid ng Tulong sa mga NasunuganAgad na nagpaabot ng tulong ang Barangay Poblacion...
08/03/2026

March 8, 2026 | Barangay Poblacion Naghatid ng Tulong sa mga Nasunugan

Agad na nagpaabot ng tulong ang Barangay Poblacion, katuwang ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay na si Jeric B. Guzman, para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kaninang umaga.

Walong (8) pamilya ang naapektuhan ng nasabing insidente. Bilang agarang tulong, nagkaloob ang Barangay Poblacion ng cash assistance, grocery packs, at tig-25 kilong bigas upang makatulong sa kanilang pansamantalang pangangailangan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga responders at sa lahat ng tumulong sa pag-apula ng sunog.




February 13, 2026 l ADVISORYIsinagawa ang Oplan SIKPAW sa Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato mula Pebrero 10–13, 2026...
13/02/2026

February 13, 2026 l ADVISORY

Isinagawa ang Oplan SIKPAW sa Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato mula Pebrero 10–13, 2026 bilang bahagi ng pagpapatibay ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad, partikular sa pagpapatupad ng responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.

📊 RESULTA NG OPERASYON:

Bilang ng mga a*ong nahuli: 36
Bilang ng mga na-release: 15

Pinapaalalahanan ang lahat ng pet owners na tiyaking nakatali o nasa loob ng bakuran ang kanilang mga alagang a*o upang maiwasan ang pagkakahuli at upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating barangay.

Maraming salamat sa pakikiisa at kooperasyon ng bawat residente.


Address

National Highway
Kabacan
9407

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Poblacion, Kabacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share