05/06/2026
๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ 1๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Naging matagumpay at makabuluhan ang isinagawang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly ng Sangguniang Kabataan ng Upper Paatan sa pamumuno ni ๐ฆ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐๐ป๐ฐ๐ต๐ฒ๐๐ฎ. Ang pagpupulong na ito ay isinagawa alinsunod sa ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ญ ๐๐จ. 10742 ๐จ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐๐๐ญ ๐จ๐ 2015, na nag-aatas ng hindi bababa sa dalawang KK Assembly bawat taon upang maipaalam sa mga kabataan ang mga programa, ulat, at mga plano ng kanilang pamunuan.
Dinaluhan ito ng 98 na kabataan na naglaan ng oras upang makiisa at maging bahagi ng mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng sektor ng kabataan sa ating barangay.
Nagbigay rin ng mensahe si ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฝ๐ถ๐ป ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ป, kung saan ipinahayag niya ang kanyang buong suporta sa mga programa ng Sangguniang Kabataan. Kanyang binigyang-diin na sa patuloy na paggabay at pakikipagtulungan ng BLGU, nananatiling maayos, organisado, at naaayon sa mga alituntunin ang pamamahala ng SK Upper Paatan. Hinikayat din niya ang mga kabataan na patuloy na makilahok at suportahan ang mga proyekto ng kanilang pamunuan.
Ipinresenta rin sa mga dumalo ang mga agenda ng assembly, kabilang ang mga programa at proyektong nakapaloob sa approved Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) at Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBYDP).
Samantala, inilahad ni SK Chairperson Rey Mark Ancheta ang Accomplishment Report ng konseho kung saan kanyang ibinahagi ang mga programang naisakatuparan, mga proyektong natapos, at mga aktibidad na matagumpay na naisagawa para sa kabataan. Nagpasalamat din siya sa lahat ng dumalo at pinaalalahanan ang mga kabataan na ang bawat barangay ay may magkakaibang pangangailangan, prayoridad, at budget na siyang batayan ng kanilang mga programa at proyekto.
Para naman sa Financial Report, iniulat ni SK Treasurer Esnaira Talusan ang kasalukuyang kalagayan ng pondo ng SK at ang mga pinaglaanan nito. Ipinaliwanag din niya kung paano maingat at responsable na pinamamahalaan ng konseho ang pondo upang matiyak na ito ay nagagamit nang tama at naaayon sa mga programang nakalaan para sa kabataan.
Sinundan ito ng Committee Reports mula sa mga SK Members upang maibahagi rin ang mga naging gawain at initiatives ng kanilang mga committee.
Nagkaroon din ng Open Forum kung saan malayang naibahagi ng mga kabataan ang kanilang mga katanungan, mungkahi, at opinyon. Naging maayos at produktibo ang talakayan na lalo pang nagpatibay sa ugnayan ng SK at ng Katipunan ng Kabataan.
Bilang pasasalamat sa aktibong pakikilahok ng mga dumalo, nagsagawa rin ng raffle draw na nagbigay ng mga simpleng papremyo at dagdag saya sa programa.
Sa kabuuan, muling ipinakita ng KK Assembly ang kahalagahan ng pagiging bukas, tapat, at responsable sa paglilingkod. Isa itong hakbang upang higit pang mapalakas ang partisipasyon ng kabataan at maisulong ang mga programang tunay na makatutugon sa kanilang pangangailangan.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐งก๐