16/03/2026
Abiso!
Sa lahat ng kliyente ng Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office, ang opisina ay bukas mula 7:00 ng umaga hangang 6:00 ng hapon sa araw ng Lunes hangang Huwebes. Ang opisina naman ay sarado mula Byernes hangang Linggo.
Ang pagbabago sa iskedyul ay alinsunod sa pinalabas na Executive Order ng Office of the Municipal Mayor. Layunin nito na makatipid sa kuryente, mabawasan ang paggamit ng pribado at mga sasakyan na pag aari ng lokal na gobyerno ng Juban.
Ang ganitong pagbabago ay supporta ng Lokal na pamahalaan ng Juban sa pangunguna na Mayor Rogel "Botox" B. Fulleros sa inisyatiba ng Pamahalaang Nasyonal na mabawasan ang "energy footprint" ng mga opisina ng gobyerno na hindi naaapektuhan ang kalidad ng serbisyo publiko.
Maraming salamat sa pag-unawa. Dios mabalos saindo gabos.
PUBLIC ANNOUNCEMENT!!
OPISINA AT ILANG MGA SERBISYO SA MUNISIPYO, APAT NA ARAW NA LANG MULA LUNES HANGGANG HUWEBES AT MULA ALAS SIETE NG UMAGA HANGGANG ALAS SAIS NA NG HAPON.
Inaanunsyo po ng Lokal na Pamahalaan ng Juban na mula sa araw na ito, Lunes, petsa 16 ng Marso at ng taong kasalukuyan, ay bukas na ang mga Tanggapan ng Juban LGU mula alas - 7 ng Umaga hanggang alas - 6 ng hapon (7:00 am - 6:00 pm). At ito ay apat na araw na gagawin mula Lunes hanggang Huwebes. (Monday - Thursday)
Ang bagong skedyul na ito ng trabaho at oras sa LGU Juban ay alinsunod sa Executive Order o EO No. 08, Series of 2026 na ipinalabas at nilagdaan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Botox-Rogel Fulleros. Ang Kautusang ito ay pagtalima ng Lokal na Pamahalaan sa ipinalabas namang Memorandum Circular No. 114 ng Malacañang Palace na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Civil Service Commission (CSC) Memorandum Circular No. 06, s. 2022, as amended by CSC Memorandum Circular No. 01, s. 2025.
Dahil dito, pinapayuhan po namin ang lahat ng mga mamamayan ng Juban, lalo na ang may mga transaksyon sa ating Lokal na Pamahalaan, na mangyaring gawin po ninyo ang inyong mga opisyal na transaksyon sa mga oras at mga araw na nabanggit.
Gayunpaman, patuloy ang serbisyo at hindi sakop ng Lunes hanggang Huwebes na EO No. 08 o ng kautusang ito ang mga kawani at ang mga Tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Public Market, Revenue and Collector, Public Safety Unit (PSU), Garbage Collectors and Segregators, at Utility Workers/Street Cleaners. Kaya't kahit araw ng Biyernes ay bukas po ang kanilang mga Tanggapan at patuloy ang paghahatid ng serbisyo.
Mananatili po ang skedyul at sistemang ito hangga't wala pang ipinalalabas na bagong kautusan mula sa mga kinauukulan upang ito ay i-suspende na o tuluyang ipawalang bisa.
Maraming Salamat Po.